Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, bukod-tanging artistang mapagkawanggawa

PEOPLE thrive in places where they are appreciated kung paanong angels make their divine presence felt in places where they’re badly needed.

Not only is she named after the heavenly figure, Angel Locsin is truly living up to her name sa mga ginagawa niyang kabutihan para sa kanyang kapwa.

By some twist of fate, ewan kung bakit madalas pumatak ang mga krisis o trahedya na dinaranas ng ating mga kababayan sa mga odd-number years.

November ng taong 2013 nang manalasa ang super bagyong Yolanda sa Kabisayaan. May 2017 naman noong sumiklab ang tinawag na Marawi siege na nag-iwan din ng napakalaking pinsala sa bahaging ‘yon ng Mindanao.

Nitong huli (latter part of October) ng kasalukuyang taon ay paulit-ulit na niyayanig ng malakas na lindol ang Davao.

Maliban sa Marawi siege, ang dalawa’y acts of God na hindi maaaring iwasan o pigilan kundi maaaring idaan lang sa taimtim na dasal.

But in those three ay hindi ‘yon nakaligtas sa mapusong pakikibahagi ni Angel ng kanyang maitutulong. Kulang na nga lang ay kabilang siya sa Philippine Red Cross o may mataas na posisyon sa ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD.

Sa nangyari at nangyayari pa ring lindol, Angel was one of the quickest to have responded to the affected Davaoenos’ needs lalong-lalo na ang kanilang pangangailangan sa pagkain.

Kasama ang kanyang mapapangasawang si Neil Arce, hitsura ng rice cartel na nagpakawala sila ni Angel mula sa pinag-imbakang bodega ng sako-sakong bigas para ipamigay sa mga nasalanta.

Hindi mo tuloy maiiwasang maikompara ang mapagkawanggawang aktres sa mga kapwa niya artistang kahit paano’y mayroon namang maiaambag na tulong, pero mas piniling bumuo ng isang samahang Wa Pakels.

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …