Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tulong sa Mindanao, Beautederm College, ikinakasa na

HINDI lang sa pagpapaganda at pagpapamilya magkasundo sina Rhea at Marian. Magkasundo rin sila sa pagtulong sa kapwa. Actually pareho sila ng advocacy.

Naikuwento ni Marian na napag-usapan nila ni Rhea ang pagbibigay din ng tulong sa mga biktima sa lindol sa Mindanao. ”May usapan na kami ni Ate Rei, kumakalap kami para maibigay sa mga nangangailangan. By this week magpa-pack na kami, at iyong Pinoy Foundation ang namumuno talaga para matulungan ang mga kababayan nating nangangailangan.”

Nagbukas din si Rei ng foundation, ang Beautederm Foundation para hindi hindi lang ngayon makapagbigay ng tulong ang kanyang kompanya kundi tuloy-tuloy na.

“Maya’t maya kami nag-uusap ni Rei ukol sa kung paano namin tutulungan ang mga taong nangangailangan. Magbibigay nga siya ng kaban-kabang bigas,” kuwento ni Marian.

“Same rin na kaya ako nagtayo ng foundation para anytime makapagbigay tayo ng tulong kapag may ganitong mga pangyayari,” ani Rei. “Kasi we are too blessed, na kapag bine-bless ka ni Lord mag-share lagi, hanggang kaya, go lang ng go hanggang kaya. Kasi ‘yun ang sarap ng buhay, If you send someone happy, someone smile, the Lord will bless you a thousand fold.

“Nagpapaaral din po tayo ng mga batang hirap makapunta sa college, ‘yun po ang aking adhikain na maraming mapa-graduate ang Beautederm.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …