Friday , December 27 2024

Joint venture ng LWUA at Prime Water pahirap sa consumers

HANGGANG ngayon maraming consumers ang nagtataka kung bakit pumayag ang Local Water Utilities Admninistration (LWUA) na makipag-joint venture sa Prime Water.

Kamakailan, nagulat tayo na hanggang Naga ay nakapasok na pala ang Prime Water.

Kung dati ay sa Cavite, Meycauayan, Marilao, Malolos, San Jose del Monte City, Amadeo, Cavite, Tayabas, Lucena City, at iba pang bayan na dati ay nasa ilalim ng LWUA, ngayon ay unti-unting lumalawak at humahaba ang mga bayan na napapasok ng Prime Water.

Bilang consumer, ang concern lang natin dito, tinatanggap natin ang joint venture ng isang private company kung nakatutulong ito sa pagpapaganda at higit na pagsasaayos ng buhay pero kung kitang-kita na ang joint venture ay naglilingkod lang sa interes ng private company gaya ng Prime Water mas mabuti pang ibasura na ito.

Sa totoo lang, nang pumasok ang Prime Water sa LWUA, dumami ang reklamo ng consumers.

Hindi lang tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig ang nawala sa kanila kundi tumaas pa ang babayaran nila.

Kung dati’y wala silang binabayarang minimum bill katumbas ng 10 cubic meter ngayon ay nagbabayad ng P223 para rito ang bawat household, nagagamit man o hindi ang serbisyo nito.

Pero ang higit na nakaiinis sa pagpasok ng Prime Water sa LWUA, imbes maging malinis ang tubig ay nagkulay-putik at nag-amoy septic tank.

Bakit?!

Maraming reklamo na ang natatanggap laban sa Prime Water pero nakapagtataka na parang nagtataingang kawali lang ang LWUA.

Ang Prime Water at pag-aari ng pamilya nina dating Senate President Manny Villar at kasalukuyang Senator Cynthia Villar, isa sa pinakamayayamang pamilya sa buong Filipinas.

Mukhang darating ang panahon na ang lahat ng batayang pangangailangan natin gaya ng tubig ay makokontrol na ng mga pribadong kompanya na pag-aari ng mga burgesya komprador imbes mga ahensiya ng pamahalaan ang mangalaga rito. 

Kung mahalaga ang tubig sa lahat ng mamamayan, ‘ginto’ ito sa pamilya Villar.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *