SA PANAHON NGAYON, marahil hindi kapani-paniwala para sa karamihan kung sasabihing kayang-kayang ng ordinaryong manggagawa magkaroon ng sariling bahay. Kadalasang isinasantabi na lamang nila ang pangarap na magkaroon ng sariling tirahan para sa pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, koryente, edukasyon at iba pa.
Gayon pa man, nananatiling pangarap ng maraming Filipino ang magkaroon ng maayos na espasyo para sa kanilang pamilya. Nakita ito ng BRIA Homes, isang kilalang mass housing developer dito sa bansa, kaya naman ginawa nitong layunin na mabigyan ng pagkakataong matupad ng maraming Filipino ang pangarap sa abot-kayang halaga.
Sa tulong ng pormula nitong Affordability (Mura) + Superior Quality (Dekalidad) = a Beautiful BRIA Home for Every Filipino, sa wakas, posible nang magkaroon ng sariling tahanan ang isang pamilyang Filipino sa halagang P1,897 kada buwan. Ito ay ikinagugulat ng karamihan, dahil hindi hamak na mas mura ito sa karaniwang buwanang hulog sa mga pabahay.
Bukod dito, mayroon iba-ibang payment schemes o pamamaraan ng pagbabayad gaya ng cash, bank financing at Pag-IBIG financing.
Mura ang halaga, pero dekalidad ang BRIA Homes. Napatutunayan ito ng iba-ibang amenities sa bawat komunidad, gaya ng mga espasyong eco-friendly at eksklusibong basketball court.
Bukod dito, mayroon din mga pasilidad para sa seguridad, gaya ng mga CCTV, perimeter fences at guwardiya sa bawat pasukan at labasan.
Siyempre, moderno at maganda ang disenyo ng bawat condominium at bahay at lupa sa mga komunidad ng BRIA. Mayroong iba’t ibang ayos, depende sa pangangailangan ng pamilyang maninirahan.
Dagdag sa pagiging mura at dekalidad ang lokasyon ng bawat proyekto ng BRIA — nasaan man sa bansa, sinisiguro ng BRIA Homes na malapit ang komunidad sa mga paaralan, ospital, simbahan at pamilihan, upang mas mapadali ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga pamilyang naninirahan dito.
Nag-uumpisa pa lamang ang BRIA Homes, malinaw ang misyon nito: ang gawing posible ang tila imposibleng pangarap ng bawat Filipino —- magkaroon ng bahay. Ngayon, posibleng-posible nang maabot ang pangarap na ito, dahil sa murang halaga ng bawat bahay sa BRIA.