Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

TV reunion ng KathNiel, sa Mexico gagawin

MAPAPANOOD nang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang reunion TV project na gagawin sa Mexico. Mapapanood ito next year mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN.

Balitang excited na sa kanilang reunion sina Kathryn at Daniel at kinailangan muna nilang magpahinga for a while para makapag-recharge.

Bukod sa teleserye may isa pang sorpresa ang KathNiel sa kanilang fans na magaganap this month.

Isa ring teleserye ang handog nina Liza Soberano at Enrique Gil na idinirehe ni Cathy Garcia-Molina. Isa itong romantic comedy, ang  Make It With You na gagampanan nila ang mukukulit na estranghero na magkakakilala at magkakaibigan sa Croatia.

Magsasama naman sa isa ring teleserye sina Bea Alonzo, Rafael Rosell, at Richard Gutierrez, sa isang love triangle, ang Kahit Minsan Lang. Muling magkakatrabaho rin sina Kim Chiu at Xian Lim, kasama si Yam Concepcion sa Love Thy Woman.

Pangungunahan naman ni Gerald Anderson ang A Soldier’s Heart kasama ang mga kapwa sundalo niyang sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica, at Carlo Aquino. Isang action-drama series naman ito.

At sa Lunes, mapapanood na ang Your Moment nina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda  habang muling magkakaroon ng pagkakataon ang Pinoy teenagers na maging singing superstar sa nalalapit na pagbabalik ng The Voice Teens.

Sa original series at movies naman na handog ng streaming service na iWant, mapapanood na ang ikalawang yugto ng Bagman ni Arjo Atayde kasama si Carlo Aquino bilang ‘gunman.’Kasama rin ang kay Nathalie Hart na Uncoupling at Barbara Reimagined, at  Loving Emily ni Iza Calzado, Tapes nina Sam Milby at Yassi Pressman, pati na rin ang pinakahihintay na digital films ng The Gold Squad—ang  Little Red Shoes nina Kyle Echarri at Francine Diaz, at ang Wild Little Love nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Malapit na ring mapanood sa iWant ang pinakaunang proyekto ni Jodi Sta. Maria bilang producer, ang My Single Lady, tampok sina Ian Veneracion, Zanjoe Marudo, at si Jodi.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …