Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Moira Dela Torre
Moira Dela Torre

Moira, nominado bilang SouthEast Asian Act sa 2019 MTV EMAS

PABONGGA nang pabongga ang career ni Moira dela Torre. Pagkatapos niyang magwagi sa katatapos na Awit Awards at Himig Handog 2019, isang nominasyon naman ang natanggap niya sa MTV EMA 2019, ang Best Southeast Asian Act na gagawin sa Seville, Spain.

Ani Moira, ikinagulat niya ang nominasyon. “Sobra akong na-overwhelm kasi ang daming blessings. Ang dami kasing nawalang opportunities for a while so, akala ko talaga at one point tapos na and then biglang sunod-sunod ulit, so ito po talaga ‘yung cherry on top na hindi lang mga Kapamilya rito sa Pilipinas ‘yung nakakasuporta pero pati Kapamilya abroad.”

Nominado si Moira sa kategoryang kasama sina Rich Brian ng Indonesia, Yuna ng Malaysia, Jasmine Sokko ng Singapore, Jannina Weigel ng Thailand, at Suboi ng Vietnam.

Sinabi pa ni Moira na, “Sobrang bonus po talaga lahat ‘yun but I really, really will stand by this that my greatest award is being able to reach out to people through my music.”

Naiuwi ni Moira sa Awit Awards 2019 ang Album of the Year para sa  Malaya, music video at Song of the Year para sa kantang Tagpuan, at Best Collaboration para sa Knots na kinanta niya kasama si Nieman. Sa Himig Handog 2019 naman ay bilang interpreter kasama si Daniel Padilla, para sa entry ni Dan Tañedo na Mabagal na hinirang na Best Song.

Inilabas din nitong Setyembre ang kantang Paalam na kolaborasyon niya kasama ang Ben&Ben. Makikipagsanib-puwersa rin siya kay Regine Velasquez para sa theme song ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema na Unbreakable.

Ire-release rin sa unang bahagi ng 2020 ang bagong album ni Moira sa ilalim ng ABS-CBN Music International, na rito’y nakatrabaho niya ang mga foreign artist at producer na sina HARV, DJ Flict, at Us The Duo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …