Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, suki ng ASOP — It keeps me grounded, nakatutulong siya spiritually

ISA pala sa pioneer ng A Song Of Praise, na ngayon ay nasa ikawalong taon na, si Gerald Santos na interpreter ng Pupurihin Kita ni Christ Givenchi Edejer.

Sumabak na sa ASOP si Gerald noong unang taon pa lamang nito at naulit noong ikatlong taon.

“Alam ko na ‘yung sistema nila at maganda ang idea at concept ng ASOP and it’s our pleasure to interpret a song,” sambit ni Gerald nang makausap namin at nang matanong ang kaibigan ng pag-i-interpret sa ASOP sa pagkanta sa mga Broadway at international play.

Noong ikatlong tatlong siya nakakuha ng place, 2nd place.

“It’s keeps me grounded for all the stress, ‘yung work natin. Everytime na nag-i-interpret ako nakatutulong siya sa akin spiritually. Everytime I sing praises songs, talagang nako-comfort ako na God is just there beside you na hindi ka Niya iiwan. He’s there for you na mag-pray ka lang, lapitan mo lang Siya, magpasalamat.”

Aminado naman si Gerald na hindi siya relihiyoso pero madasalin siyang tao. At simula nang nakasama siya sa mga spiritual play, maraming blessings ang dumating sa kanyang buhay.

“After ‘San Pedro Calungsod,’ ‘Miss Saigon’ came into my life kaya nagtuloy-tuloy ang blessings kapag kumakanta ako sa mga religious event.”

Sinabi pa ni Gerald na malaking factor din na kilala ang mag-i-interpret ng kanta sa ASOP. “Kung sikat na sikat ‘yung singer talagang may advantage kasi itong contest na ito may text votes, may People’s Choice Award, may Best Interpreter. So factors na ito may advantage na kung kilala ka. May tulong talaga.”

Bukod kay Gerald, kasama ring interpreter sa ASOP year 8 sina ChaCha Cañete ng Goin’ Bulilit na siyang kakanta ng Oh Ama ni Jhoter Jone Villan; Radha sa Ikaw ay Ikaw ni Vanduane Badua; Jinky Vidal sa Don’t Give Up ni Cherry Labating; Brenan Espartinez ng Alay Ko ni Maddonna Rosas at Pau Ortiz; Nina Espinosa ng Dios ng Katotohanan ni Darrel Joseph Villanueva; Gidget dela Llana sa ‘Di Mabilang na Tala ni Carlo David; Mark Laygo sa You Are Wonderful ni Franz Loren Bigcas; Ethan Loukas sa God Has His Purpose nina Lambert Reyes Jr., at Roman Dundangan; Louie Anne Culala sa Sagwan ni Aiza Narag; Kim Baluzo sa Ako ay Tunay na Magtatagumpay ni Shaun Billones; at Vanz sa Tahan Na ni Rinz Ruiz.

Taong 2011 unang isinagawa ang ASOP ng Breakthrough and Milestones Productions International, Inc. (BMPI) at simula noo’y marami nang aspiring at professional songwriters ang natulungang ma-achieve ang kanilang passion sa pamamagitan ng pagpupuri sa Panginoon gamit ang kanilang musika.

Magwawagi ng P800K (tax free) ang tatanghaling Song of the Year.

Ayon nga kay Kuya Daniel Razon, BMPI President at Chief Executive Officer, na taon-taon ay madaragdagan ng hundred thousand ang kanilang cash prize.

Makakakuha naman ng P500K bawat isa ang dalawang special awards, ang Best Interpreter at People’s Choice at P200K naman ang Bro. Eli Soriano’s (BES) Choice award.

Ang ASOP Grand Finals ay gagawin sa Nobyembre 10, Linggo, sa New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …