KRIS AQUINO’S loss is Carmina Villaroel’s gain.
Ito’y makaraang ang pumalit sa dapat sana’y entry ni Kris sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na (K)ampon kasama si Gabby Concepcion ay na-disqualify. Ang ending: ang next in line sa parehong genre (horror) na Sunod tampok si Carmina ang pumalit sa nabakanteng slot.
Kahit magkatunog, hindi dapat ipagkamaling ang Sunod ay sequel ng horror flick ding Sundo na pinagbidahan ni Robin Padilla noong 2009.
Anyway, malaking bentahe para kay Carmina ang pagkakaroon ng weekly show, ang Sarap ‘Di Ba? sa GMA tuwing Sabado bago umere ang Eat Bulaga.
Bagama’t tungkol sa cooking, parenting, friendship at iba’t iba pang paksa ang tinatalakay nito, maaaring i-tweak ng mga writer nito ang isang episode na angkop para i-promote ang Sunod.
Hindi suki ng MMFF si Carmina. Sa katunayan, wala kaming natatandaang single movie niya na naging kalahok sa taunang festival.
Lalo na noong nag-asawa na siya (sa actor-director na si Zoren Legaspi), mas dumalang ang paggawa ng movie ni Carmina.
Hindi nga siya makapaniwalang lumusot ang Sunod, na nagresulta sa pagkalaglag ng The Heiress ni Maricel Soriano (pero nakatakdang ipalabas bago matapos ang buwang ito).
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III