Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojak, sobrang happy sa nominasyon sa PMPC Star Awards for Music

SOBRA ang kagalakan ng talented na singer/composer/comedian na si Mojak nang ma-nominate siya sa darating na PMPC 11th Star Awards for Music.

Masayang kuwento niya, “Naku, pagkabasa po ng inilabas na line-up para sa 11th PMPC Star Awards for Music, ‘yung mga nominated at nakita ko ang pangalan ko napasigaw ako! Seryoso ba ito?! Isa ako sa mga nominated?! Ganoon po pala ang feeling nang maihilera ka sa mga tini­tingala natin sa industriya, specially ang mentor ko at tumulong din sa akin sa Punchline na si Mama Vice (Ganda), mahal na mahal ko po iyan kuya at inire­respetong sobra.”

Actually, dala­wa ang nomi­nasyong nasungkit ni Mojak, kaya halos hindi siya maka­paniwala sa bles­sing na dumating sa kanya. Nominado siya bilang Novelty Artist of the Year kasama sina BlankTape (Pekeng Pag-ibig) Lodi Music, Bugoy Drilon (Namo) Star Music, Dj Jhai Ho and DJ Joco Loco (Agey Agey Hey) Star Music, Mel Sorillano (Bakit Pa Kasi) Ivory Music, Mojack Perez (Katuga) Lodi Records, at Vice Ganda (Dahil Kasama Mo Siya) Star Music.

Ang isa pang nominasyon niya ay bilang Novelty Song of the Year. Ang mga nominado rito ay, Dahil Kasama Mo Siya (Vice Ganda) Star Music, Gigili­cious (DJ Eva Ronda) Star Music, Katuga (Mojack Perez) Lodi Records, Malia, Malia (Malia feat. Pokwang) Star Music, Namo (Bugoy Drilon) Star Music, at Pekeng Pag-ibig (BlankTape) Lodi Music.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …