Sunday , November 17 2024

Magkumareng aktres, nag-away sa billing

NOT necessarily close ang dalawang aktres na ito kahit pa halos magkakontemporaryo sila.

Dahil mas naunang pumasok sa showbiz si Actress A kung kaya naman mas nauna siyang magbida kaysa kay Actress B sa pelikula.

Pero dumating din naman ang turn ni Actress B, ini-launch din siyang bida sa pelikula. Mula noon, madalas nang magsama sa pelikula ang dalawang aktres kaso mas una sa billing si Actress A.

Sa loob ng maraming taon ay hindi muna sila nagsasama sa pelikula. Magandang suhestiyon mula sa isang senior writer na pagsamahin sila, ito ang paksa nang interbuhin niya si Actress B.

Senior writer: How about doing a film again with Aktres 1?

Actress B: Bakit hindi? Oh, I’d love to work with her again!

SW: Pero sa tingin mo, sino sa inyong dalawa ang dapat mauna sa billing?

Actress B: Palagay ko, ako na this time.

End of interview.. Tinipa ng writer ang kanyang interview article, isinubmit sa pinagsusulatan niyang publikasyon at na-publish.

Nabasa pala ‘yon ni Actress B na na-bad trip kay Actress B at nakapagbitiw pa ng hindi magandang komento.

Bagama’t may mga away sila noon na hindi gaanong nasusulat, may konek sila sa isa’t isa. Si Actress B ay ninang ng anak ni Actress B.

(Ronnie Carassco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *