Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, swak ang kaseksihan sa Slender Sips Coffee and Juice ng BeauteDerm

SWAK ang kaseksihan ni Kapamilya actress na si Kitkat sa ipino-promote niyang produkto ng BeauteDerm, which is Slender Sips Coffee and Juice. Nang makahuntahan namin siya’y napag-usapan namin ang pagiging bahagi niya ng patuloy sa paglaki ng pamilya ng BeauteDerm.

“Sabi nga nila Papa Sam, ‘yung asawa ni Mommy Rei (Tan). ‘Yun daw ini-approach siya kung sino ang karapat-dapat na model ng Slender Sips Coffee and Juice, kasi siyempre pampapayat ‘yun, pampabilis ng metabolism, at dapat sexy – sabi niya, ‘Si Kitkat kaya?’ Oo nang oo, okay daw sa kanya, okay,” panimula ng komedyana.

Dagdag niya, “Actually, ‘di ba mahilig akong mag-post ng kung ano-ano? Kahit dati pa, kahit tsinelas? Kulang na lang pati panty i-post ko sa sa social media, e, hahaha! ‘Pag sinabi niyang, “Anak, may ibinebenta ako, e. Puwede mo bang i-promote?’ of course, sure na sure. Hindi ako naniningil. Kaya salamat sa Diyos dahil sinasasabi ng mga ini-endorse ko, nagtitiwala sila sa akin, lucky charm nila ako. Pag mayroon akong ini-endorse na product kahit ‘di naman ako ganoon kasikat or ka-prime na artist, napapalago ko sila.

“Isa lang po ang hiling ko ‘pag may bago akong ini-endorse at nakatulong akong mapalago ‘yung company n’yo, ‘pag may budget na kayo para sa super big stars, ‘wag n’yo naman sana akong kalimutan. Kasi mayroon ako dating ini-endorse, ako nagpasikat in a way, noong nakakuha ng mga sobrang sikat, ang mahal talaga, ako ‘yung inilaglag e. ‘Yung hirap na hirap akong makakuha ng product o makapagpa-schedule, ganyan. May mga ganoon ako dati e. Kaya ako, mahalaga sa akin ang loyalty.

“Kaya minsan kapag mayron akong ini-endorse then tapos na ang kontrata. Tapos mayroon akong bagong offer, malaki talaga ang bayad, maraming maganda, pero dahil nabuo ‘yung friendship sa company na pinalago ko, hindi ko iniiwan.”

Sinabi rin ni Kitkat kung gaano ka-effective ang Slender Sips Coffee and Juice. “Pang-maintain siya ng metabolism, pag mabilis ang metabolism mo, siyempre, ‘di ka tataba. ‘Pag nagkakaedad ka na, siyempre bumabagal ang metabolism. So ‘yung Slender Sips Coffee and Juice, dahil gusto kong ma-maintain ‘yung body weight ko, body figure ko at sinabi ko nga, hindi ako puwedeng mag-workout dahil sa sarili kong pawis, allergic ako. So Slender Juice, siyempre, all through out the day nagju-juice ako, minsan kasi isang buong pitcher isang araw ko lang iinumin. Mahilig ako mag-coffee, e acidic ako, pero sa Slender Sip Coffee hindi ako nag-a-acid, minsan mga nakakatatlong cup ako.”

Thankful din si Kitkat na maging part ng Beautederm. ”Sobrang happy ko na mapabilang sa family ng Beautederm. Pamilya ang turingan namin, kaya super-suwerte nang dahil sa pagiging ambassador, mayroon akong isa pang pamilya.

“Napaka-blessed ko to have known Mommy Rei (tawag sa CEO/owner ng Beautederm na si Ms. Rhea Tan) kasi mga anak ang turing niya sa amin. Lahat pantay-pantay, walang paborito, walang mas sobrang mahal. Lahat kami mahal niya at napaka-generous niya. Super-suwerte ko na kaibigan ko na si Mommy Rei noon pa, kahit ‘di pa siya kumukuha ng mga ambassadors niya. Kahit noong ‘di pa siya ganoon ka-active sa Beautederm, turing niya sa akin noon ay shobe, bunsong kapatid. Siyempre sarap po sa pakiramdam na naa-appreciate ka ng mga tao as a friend not only as endorser, pero as pamilya. Basta masasabi ko lang, napakasuwerte ko dumating sa buhay ko si Mommy Rei.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …