Nakababaliw ang drama ng silahistang aktor na mahilig magpaasa sa mga babaeng kanyang nagiging leading lady sa mga soap opera na kanilang pinagsasamahan.
Kapag ongoing pa ang kanilang pinagtatambalang soap, kiyemeng manliligaw siya sa kanyang leading lady.
Pero saan ka, once na tapos na ang kanilang pinagtambalang soap, deadma na siya at stop na ang kanyang panliligaw.
Tulad na lang dito sa isang late afternoon soap na kanilang pinagsamahan ng isang sexy actress.
Noong ongoing pa ito, may mga palipad hangin siya to the effect na parang tinatamaan na siya sa sexy actress.
Siyempre naman, na-touch ang sexy actress dahil may hitsura naman siya at mukhang well-endowed.
Mukhang well endowed raw talaga, o! Hahahahahahahaha!
Pero nang magtapos na ang kanilang serye, nagbabu na rin ang aktor at naiwan ang magandang aktres na nagtataka kung bakit bigla na lang tumigil ang aktor sa kanyang panliligaw.
Ang ‘di niya alam, ganyan talaga ang diskarte ng aktor. Nanliligaw kapag ongoing pa ang kanilang soap. Tapos bigla na lang mag-e-evaporate once na tapos na ang soap opera. Hahahahahahaha!
Ka-amuse!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.