Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakarelasyon ni Atong Ang, pinatotohanang may relasyon sila ni Greta

NATATANDAAN n’yo pa ba ang aktres na si Kristine Garcia?

Sa mga nakakaalala pa sa kanya, isa si Kristine sa mga mahusay na aktres ng kanyang panahon. Para sa amin, one of her best acting performances ay sa 90’s film na Kapag Langit Ang Humatol, na tampok sina Vilma Santos at  Richard Gomez.

US-based na si Kristine ngayon, at umugong lang uli ang kanyang pangalan dahil sa matinding away ng Barretto sisters. Ang konek niya sa isyu ay dahil nakarelasyon siya rati ni Atong Ang, at nagbunga ‘yon ng isang anak na ngayo’y 30-anyos na.

Sa ngayon, malapit nang maging Golden Girl si Kristine na nakapag-asawa kamakailan pero hindi pa nabibiyayaan ng anak.

Aminado siyang 15-anyos lang siya noong makarelasyon si Atong, bagay na walang inilayo sa edad ni Nicole—pamangin nina Gretchen,  Marjorie,  at Claudine sa kapatid na si Jay Jay—na menor de edad din noong maging girlfriend umano ni Atong for almost five years.

Sa kanyang pag-amin sa pamamagitan ng exchange of private messages, sinabi ni Kristine sa beteranong kapwa showbiz columnist na si (Ate) Mercy Lejarde na totoong may namamagitan kina Atong at Gretchen.

“Nakahihiya” kung ilarawan nga ni Kristine ang lantarang ugnayan ng dalawa, bagay na noon pa naman pinagdudu­dahan.

Ang masaklap, kahit si Atong ang itinuturong ama ng 30 years old nang anak niya kay Kristine ay wala itong sustentong ibinibigay. Hindi maliwanag ang dahilan ng umano’y pagtalikod ni Atong sa kanyang paternal obligation. Pero tulad ng alam ng lahat ay isa siyang bigating negosyante who’s into casino operations, kaya paanong wala itong ipangtutustos sa pangangailangan ng anak nila ng dating aktres?

Tiyak hindi ito palalampasin ni Gretchen. Hindi na ito simpleng pakikisawsaw sa isyu dahil may direct involvement na si Kristine lalo pa’t ang sangkot ay si Atong.

May dapat talagang ipaliwanag si Gretchen para once and for all ay matapos na ang isyu linking her to Atong who’s a married man.

Nagsalita na si Marjorie. Sinusugan pa ni Nicole. At heto ngayon si Kristine na ang statement ay nagko-corroborate sa mga naunang pahayag.

Mukhang bukod-tanging si Gretchen na lang ang nahuhuli sa balita na siya ang pangunhahing tauhan sa kuwento.

Huli sa balita, o sadyang nagmamaang-maangan lang?

Take note na may ANG din sa salitang ito.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …