Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, kinukumbinse si Vice Ganda na mag-anak

 “TE hindi ko kaya.” Ito ang tinuran ni Vice Ganda kay Ogie Diaz nang kumbinsihin ng huli na mag-anak na ito.

Sa pakikipagkuwentuhan namin kay Ogie pagkatapos ng presscon ng pelikulang ipinrodyus ng kanyang produksiyong OgieD Productions, ang Two Love You, naikuwento nitong sinabihan niya si Vice na mag-anak na nang dumalo ito sa debut ng kanyang panganay na anak.

Sagot ni Vice kay Ogie, “Te, ayaw ko naman na ako ang aalagaan ng anak ko pagdating ng araw, ganyan-ganyan. At saka hindi ko talaga kaya.”

Sabi ni Ogie kay Vice, na mag-iiba ang perspective niya sa buhay kapag nagkaroon na siya ng anak at kung alam niya kung paano ang maging tatay.

Ang sagot dito ni Vice, “pag-iispan ko.”

May limang anak si Ogie at kitang-kita ang kasiyahan nito lalo na kapag kasama niya ang mga anak at asawa niya.

Kuwento pa ni Ogie, sinabihan niya si Vice ng, “Te, tandaan mo, kapag ikaw sikat na bading tapos namatayt ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero kapag may iniwan kang buhay na monumento, mayroon kang buhay na alaala, maaala ka nila through that person.

At napaisip naman daw si Vice sa sinabi niyang ito. Ani Vice, ”Pag-iisipan ko talaga ‘yan ‘te. Actually ‘yung mga friend ko, sinasabi nila na mag-anak ako eh. Kasi nga nagawa ni Joel Cruz, ‘di ba?!”

Samantala, very proud naman si Ogie sa unang pagpo-produce niya. Umaasa siyang susuportahan siya ng publiko sa pelikulang ito lalo’t isa ito sa bucket lists niya. Bida sa Two Love You sina Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, Lassy, Arlene Muhlach, MC Muah, at Dyosa Pohkoh. Mula ito sa direksiyon ni Benedict Mique at mapapanood na sa Nob. 13.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …