Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtag Kid, pasado ang acting kay Direk Benedict; Ogie tagalait ni Kid

MASUWERTE itong si Kid Yambao, alaga ni Ogie Diaz at isa sa bida ng Pamilya Ko at sa Two Love You handog ng OgieD Productions at mapapanood simula Nobyembre 13 na idinirehe ni Benedict Mique at ipamamahagi ng Viva Films.

Pinupuri kasi ni Sylvia Sanchez ang galing ni Kid gayundin ng mga kasamahan nito sa pelikulang Two Love You na sina Yen Santos, Lassy Marquez, MC Muah, at Dyosa Pockoh. Maging si Direk Benedict ay pinuri si Kid.

Ani Yen, ”sobrang proud ako kasi bago pa man siya sumikat ako na ang unang leading lady niya. Ang maganda kasi kay Kid, he is willing to learn siyepre nag-start pa lang siya. Hindi naman kasi acting talaga ang forte niya pero nabigyan siya ng pagkakataon na umarte sa pamamagitan ng pelikulang ito. Nakikita ko na ibinibigay talaga niya ang best niya.”

At kahit may kakulitan si Kid, ani Lassy, pagdating naman sa trabaho, trabaho naman ang binata. “First time naming gampanan ang mga eksenang ganoon pero nagawa naman naming lahat.”

“Vital ang role ni Kid kasi isang Yen Santos at isang Lassy ang magkakagusto sa kanya. Noong ipinakita ni Ogie ‘yung picture niya, hindi ako nagdalawang-isip. Ako kasi kapag pumipili ako ng aktor nagbe-base muna ako sa hitsura at noong makita ko nga, umokey na agad ako. Ang maganda sa kay Kid may hitsura siya kaya magkakagusto talaga sa kanya ang babae at ‘yung tulad ni Lassy. Pagdating naman sa acting, he tried very hard. And that’s a very good point. And he’s okey at noong napanood namin, okey talaga si Kid, maganda ang resonance niya even the ating, pasok lahat. For a new actor rare ‘yung may ganoong look and sincerity. That’s advantageous sa film,” paliwanag naman ni Direk Benedict.

Nakitaan naman agad ni Ogie ng hitsura si Kid noong ipakita sa kanya ng kanyang kaibigan ang binata. “At saka nag-workshop ito sa amin, piunukpok namin para hindi siya tatanga-tanga sa harap ng kamera. Kasi alam mo naman ang mga critic. Kung kami sa Ogie Diaz acting workshop nagtuturo, nakakahiya naman kung ang mismong talent namin eh hindi marunong umarte. Kaya malaki ang improvement ni Kid.”

Maging ang aktres na si Sylvia ay nakitaan ng galing umarte si Kid. Kaya naman malaki rin ang pasalamat ni Kid sa magaling na aktres na tinutulungan din siya sa kung paano atakehin ang ilang eksena sa Pamilya Ko. “Nanay na nanay talaga siya sa akin, sa aming lahat. Natutuwa naman ako sa mga sinabi ng mga kasamahan ko kasi may ganoon silang nasasabi sa akin.

“Kay Direk, noong unang pagkikita namin, kinausap niya ako, sinabi niya na baguhin ko ‘yung dating ko na in character agad. Ayaw daw niya ‘yung Hasthtag Kid na dancer, dapat aktor na. Kaya Papa Ogie naman, laging tagalait ko ito kahit doon sa teleserye ko, tine-text niya ako na pangit ‘yung ginawa ko minsan naman pinupuri rin niya ako. Nakakatuwa naman na sa katulad niyang malalaking tao na okey ‘yung ginagawa ko.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …