Friday , December 27 2024

Cong. Yul at Konsehala Apple, magkatuwang sa paglilingkod sa 3rd District ng Manila

MALAKING tagumpay ang nakaraang eleksiyon kay Congressman Yul Servo, kasama ang Asenso Manileño ay nakamit nila ang 9-0 win sa Ikatlong Distrito ng Maynila. Bale, second term na ngayon ng award-winning actor/public servant.

Marami nang napagtagumpayan si Yul mula noong naluklok na Konsehal hanggang sa maupong Kongresista. Sa unang 101 araw niya sa kanyang ikalawang termino, nakagawa rin siya ng 101 panukalang batas na tulad ng kanyang adbokasiya ay naglalayong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Filipino.

Ang mga proyektong naglalayong mabigyan ng ginhawa ang mga kadistrito ay skills training sa tulong ng TESDA, Tulong Panghanapbuhay Para sa Displaced (TUPAD) Workers, Angat Pangkabuhayan Program, at Government Internship Program na kaagapay ang DOLE. Nagsasagawa rin si Yul ng mga proyektong pang-impraestruktura upang mapaganda lalo ang ikatlong distrito tulad ng Baranggay Infrastructure Program at ang Local Infrastructure Program. Kasama sa mga proyektong ipinagmamalaki ni Yul ang pagpa­patayo ng Presinto Tres pati na rin ang bagong Land and Transportation Office (LTO), sa Tayuman.

Hangarin ni Cong. Yul na maging isang lider na nalalapitan ng mga tao anumang panahon.

Sa malalaking proyekto para sa distrito, ang nais ni Yul ay ipatuloy ang Lingap Buhay Program  na tumutulong sa mga nangangailan na naka-confine sa mga national at local na ospital lalo ang mayroong malulubhang sakit na nangailangan ng tulong pinansiyal para sa treatment, laboratory exam, at mga gamot.

Ilan lamang ito sa maraming programa ni Congressman para sa distrito. Ibinida rin ni Yul ang proyekto niyang Flores Para Los Muertos Mural Painting Activity, kaagapay ang Davies Paints Philippines Inc., at Pinto Art Museum na nagpinta ng mural ang mahigit 300 pintor sa kahabaan ng Manila North Cemetery. Ito’y alay sa mga dumagsa noong Undas para sa kanilang mga minamahal na yumao.

Pagdating sa pagiging aktor, naisisingit pa rin ito ni Yul dahil passion niya talaga ang acting, although priority niya ang pagiging public servant. Si Yul ang isa sa most awarded actor ng bansa, kabilang sa natamo niyang parangal ang pitong Best Actor at tatlong Best Supporting Actor. Pati sa teatro ay nabigyan ng award si Yul bilang Best Crossover Artist (Mainstream to Theater) sa play na Pahimakas sa Isang Ahente (Death of a Salesman).

Tampok si Yul sa HBO Asia Original movie titled Food Lore: Island of Dreams na pinamaha­laan ni Erik Matti. Sobrang ipinagmamalaki ito ni Yul. “Ang ganda ng experience ko, napakagaan, ang galing ni Direk Erik. Ang gaan lang ng trabaho namin dito, para kang hindi nagtatrabaho, para ka lang nagbabakasyon. Pero nakagawa kami ng ganoon kagandang pelikula. Movie ito na mayroong walong bansa na nagsama-sama.

Actually, ang kagandahan pa, isa tayo sa mga unang bansa sa Asia na ipalalabas ito. Ipalalabas din ito sa Japan at saka sa Vietnam. Puro tungkol sa pagkain ito, ‘yung kultura ng bansa,” sambit ni Yul.

Ang Food Lore: Island of Dreams ay nag-premiere sa HBO noong November 3 at mapapanood sa Japan sa November 30.

Si Konsehala Johanna Maureen Nieto-Rodriguez mas kilala bilang Apple Nieto ay tila sumusunod sa yapak ng kanyang Kuya Yul sa pagiging masipag at makamasang public servant. Si Konsi Apple ay nanalong number-1 konsehal sa 3rd district ng Maynila.

Pareho sila ng kanyang Kuya Yul na kaliwa’t kanan ang ginagawang serbisyo sa kanilang constutients.

Naitalaga bilang Chief of Staff ni Yul noong konsehal pa lang, dito namulat si Konsi Apple sa pangangailangan ng kanyang mga kadistrito at kahit likas na mahiyain ay nahasa siya sa pakikitungo sa ibang tao.  Siya’y nagpatuloy bilang chief-of-staff ni Cong. Yul sa unang termino bilang kongresista.

Sa simula pa lang ay naging pamantayan na ni Konsi Apple ang katagang “Buong Pu­song Mag­liling­kod” na kanyang gina­wang slogan hanggang sa kasalukuyan. Sa kanyang panga­ngam­panya ay ipi­na­alam niya sa mga kadis­trito na siya ay gagawa at tutulong sa paggawa ng mga ordinansa na makapagsusulong at maka­bubuti sa mga sektor ng lipunan na malapit sa kanyang puso. Kasama rito ang solo parents, mga differently-abled persons/persons with disability, at mga kabataan.

Bilang tanda ng kanyang pakikiisa at suporta sa programa ni Mayor Isko Moreno, VM Honey Lacuna-Pangan, Majority Leader Joel Chua at mga kasama sa 11th City Council sa pagtatatag ng Bagong Maynila, at bilang pagtupad sa kanyang mga pangako noong kampanya, si Konsehala Apple ay naging katuwang na may-akda ng maraming ordinansa/resolusyon.

Malaking inspirasyon para kay Konsi Apple ang kasipagan ni Yul, ito ang rason kung bakit bukod sa paggawa ng mga ordinansang maka­tutulong sa mga taga-Maynila ay nagsagawa siya ng mga sumusunod na mga proyekto: libreng fluoride treatment sa mga bata, libreng vendo para sa mga burol, tsamporado feeding program (school-based at baranggay-based), libreng paggamit ng Apple Nieto tents at tables, Fiesta Saya: Apple-Eating Contest, Iwas-Rabies at Dugtong Buhay Mula sa Dugong Alay (Blood-Letting), at iba pa.

Bukod rito, dadagdagan niya ang mga proyekto para sa distrito gaya ng Apple’s Story-telling na gaganapin sa mga daycare centers at Iwas-Dengue.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *