Friday , December 27 2024

BI detention cell mas masahol pa sa New Bilibid Prison! (Attn: Sen. Dick Gordon)

ISANG matinding sumbong ang nakaabot sa inyong lingkod hinggil sa matinding pagmamalabis na dinanas ng mahigit 277 Chinese nationals na kailan lang ay nakapiit sa BI Warden’s Facility Compound sa Bicutan, Taguig City.

Kung matatandaan ang 277 Chinese nationals ay hinuli lahat sa isang investment fraud sa Ortigas, Pasig City mahigit isang buwan na ang nakararaan.

Ang 243 sa kanila ay naipa-deport kamakailan lang ng Bureau of Immigration (BI) at bago pa man sila naibalik sa kanilang bansa ay ‘todo-pamemera’ ang kanilang inabot sa kamay mismo ng mga tauhan ng BI Warden’s facility dyan sa Bicutan!

For your information Secretary of Justice Menardo Guevarra at BI Commissioner Jaime Morente, ang kawalanghiyaan na ginawa sa nasabing detainees bago pa sila ipina-deport pabalik sa China.

Alam ba ninyo, sa bawat paggamit ng CR ng mga detainee ay hinihingan ng mga tauhan ni Warden Ramiecar Caguiron ng P200 kada ulo?!

Sonabagan!

Hindi pa kasama riyan ang paghingi ng P15,000 kung hihingi ng espasyo ang isang detainee para sa kanyang tutulugan.

Talamak din daw ang bentahan ng alak, sigarilyo at mga iba pang grocery items na naka-display pa raw sa pasilyo ng pasilidad?!

Walang sinabi ang mga tiangge na nakikita natin ngayon sa ilang siyudad!

Wattafak?!

Baka naman pati droga for sale rin?

Alam naman ng lahat na noon pa man ay nagkaroon na ng raid sa pasilidad na ‘yan at ipinag-utos ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng mobile phones ngunit ngayon ay malaya na namang nakagagamit ang mga detainee.

Siyempre may bayad din ‘yan!

Pero ang pinakamatindi sa kanila, ang pagdedeposito ng pera ng mga bilanggo sa opisina ng warden na kinakailangan i-withdraw nang paunti-unti ng mga preso ang kanilang pera?!

Tang-ining naman!

Ano yan bangko o ATM machine!?

Ayon sa ating reliable source, ang 277 Chinese nationals na involved sa investment fraud ay pinadadalhan ng P10,000 kada ulo ng kanilang kompanya para sa kanilang pangangailangan.

Pero P2,000 lang umano ang ibinibigay sa kanila habang ang P8,000 ay kinakailangan i-withdraw sa opisina ng BI Warden?!

Pakeng shet!

Mahihiya pala ang commercial banks sa style ng mga taga-WFU?!

To top it all, since bigla raw na-deport ang 243 sa 277 tsekwa, may naiwan pa raw na P700,000 na hindi naibalik sa mga Chinese kaya sila ay umuwing luhaan?!

So, saan ngayon napunta ang P700,000 na naiwan, Madam Ramiecar!?

Inenggreso o nai-turnover ba sa BI-OCOM ang halagang ‘yan?  

Mahihiya ang taga-BuCor sa style-bulok na ito ng mga taga-BI Warden’s Facility Unit!

Sana lang ay hindi ito ma-pick-up ng mga taga-senado dahil kung hindi, panibagong sakit ng ulo kina Commissioners  Morente, et al.

Paging SOJ Menardo Guevarra and BI Comm. Jaime Morente. Baka po gusto ninyong paimbestigahan, mga Bossing, ang malaking anomalyang ito.

Kung kinakailangan po ninyo ng ebidensiya, may tao po na magpapatunay kasama ang kanilang ebidensiya!

Magpasabi lang po kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *