Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariel, mawawalan ng bahay ‘pag ‘di kumita ang pelikula

AFTER 10 years, maipalalabas na ang pelikulang ginawa nina Ariel at Maverick, ang kauna-unahang reality movie sa Pilipinas na kinunan sa Hollywood, ang Kings of Reality Shows.

Tsika ni Ariel, “Isinanla ko ang bahay ko, kaya ‘pag ‘di ito kumita makikita niyo na lang na nakatira ako sa tent.”

Dag­dag pa nito, “Nagpapa­salamat ako sa mga taong nilapitan ko at ‘di nagdamot na tulungan ako para matapos ang pelikulang ito at ng maipalabas na.”

Ilan nga sa mga taong nilapitan ni Ariel ay sina President Rodrigo Duterte, Davao Mayor Sara Duterte, Senator Antonio Trillanes, Senator Manny “Pacman” Pacquaio, Senator Bato Dela Rosa, Manila Mayor Isko Moreno, Cavite Cong. Strike Revilla, at Chaye Cabal-Revilla, Raffy Tulfo, Mocha Uson, Joey De Leon, Coco Martin, Regine Tolentino, Jose Manalo, Empoy, Jasmine Trias (American Idol Season 3 finalist), Suzette Ranillo, Cristina Decena, the late Eddie Garcia, at German Moreno, Maine Mendoza, at Alden Richards.

Iniaalay ni Ariel ang pelikulang ito sa lahat ng struggling artist ‘di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo gayundin sa pinakamamahal niyang ina na si Mommy Elvie.

Ang Kings of Reality Shows ay mula sa panulat at direksiyon ni Ariel Villasanta, hatid ng Lion’s Faith Production, at ipamamahagi ng Solar Films at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 27.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …