PINAGHALONG kagan-dahan at Kapaskuhan kolum namin ito.
Sa darating na Disyembre, nakatakdang i-relinquish ni Catriona Gray ang kanyang Miss Universe crown at the pageant to be held—finally—in Seoul, South Korea.
“Finally” dahil ilang araw ang nakararaan ay usap-usapan na malamang ma-extend ang reign ni Catriona dahil hindi pa tiyak kung aling bansa ang magsisilbing host ng Miss Universe. Neither denial nor confirmation ang nagmula sa South Korea kung ito nga ba ang host.
Hindi na bago ang kabisera ng South Korea na magsilbing host sa oldest pageant sa buong mundo. Taong 1980 in July noong kinatawan ni Rosario “Chat” Silayan (SLN), (colon cancer ang kanyang ikinasawi April 2006) ang bansa and finished third runner-up.
Ngayong taong ito, proud Filipinos are rooting for Gazini Ganados na sa mga naglalabasang litrato sa social media stands a good a fighting chance.
Sa aminin man ng maraming bansa, the Philippines always brings out the gulat factor in its bets to pageants around the globe. Nagiging powerhouse na nga tayo ng mga nangangabog na kandidata in their trademark walk ranging from tsunami to lava.
Anong “calamity-inspired” walk naman kaya ang susunod?
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III