Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lapus, thankful sa mataas na ratings at natamong award ng Kadenang Ginto

UMAAPAW ang pasasalamat ng actor-director na si John Lapus dahil sa tagumpay na tinatamasa ng Kapamilya seryeng Kadenang Ginto. Isa si John sa apat na direktor nito, kasama sina Direk Jerry Lopez Sineneng, Avel Sunpongco, at Jojo Saguin.

Nagsimula ang career ni John sa ABS CBN bilang researcher ng Showbiz Lingo noong 1993. Mula rito ay naging bahagi siya ng iba’t ibang TV shows at pelikula-bilang TV host, aktor/komedyante, at direktor.

Sa katatapos lang na 33rd PMPC Star Awards for TV ay nagwagi bilang Best Daytime Drama Series ang Kadenang Ginto na tinatampukan nina Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Andrea Brillantes, Albert Martinez, Ronnie Lazaro, Sheree, at iba pa.

Kaya naman sobrang thankful si John sa mga biyayang ito.

Sambit niya, “Sobrang thankful, sulit ang hirap, pagod at pagpapahinga ko muna sa career ko bilang artista. Miss ko na pong umarte pero focus muna sa pagdidirek. Hopefully next year makagawa ulit ako ng work bilang actor.”

Pahayag ni John, “Napaka-fulfilling po na maging isang direktor ng number-1 drama show sa hapon. Sulit ang pagod kapag lumalabas ang ratings at nababasa ko ang mga comments ng fans sa social media.

“Salamat sa PMPC sa parangal. Kung hindi lang ako nagkasakit that day ay ako po ang kukuha kasama ng mga staff at stars namin at sasabihin kong, “We deserved this.” Hahaha! Dahil sa mga parangal na natatanggap ng Kadenang Ginto at mga artista namin, lalo pa po naming pagbubutihan ang mga mapapanood ng fans hanggang next year.”

Lamang ba ang happy kaysa stress, as a direktor ng teleserye?

“Ay, oo naman po. Ang lahat ng stress ay nawawala kapag nakikita mo at nararamdaman mo ang magandang resulta nito. Salamat sa Team KG at sa lahat ng manonood,” masayang wika pa ni Sweet.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …