Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Francine, supportive sa sweet reece’s spread business ng friend na si Zara

NAKATUTUWA naman ang pagiging supportive ni Francine Garcia sa kaibigang si Zara Lopez sa business nitong Sweet Reece’s spread. Talaga kasing ipinu-push ni Francine na ma-promote ang naturang spreads na sa totoo lang, masarap.

Si Francine ang 2013 Super Sireyna winner ng Eat Bulaga na isa na ring Viva artist, at isa sa close friend ng dating Viva Hot Babe na si Zara.

Matapos mapanood si Zara sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, lumabas siya sa Beautiful Justice ng GMA-7. Ngayon ay ginagawa ni Zara ang Murder by Tsismis ng Cignal cable at kasama niya rito sina Jeffrey Quizon, Meryll Soriano, Tart Carlos at Tuesday Vargas.

Si Francine naman ay lumabas sa Villa Quintana at iba pang TV shows. Sa pelikula ay napanood si Francine sa Quick ChangeThat Thing Called Tanga NaEchorsis at Born Beautiful.

Open si Francine sa pagsasabing siya ay nagpa-sex change. Close na close ang dalawa to the point na pati ang pinakabit na sex organ ni Francine ay ipinakita niya mismo kay Zara.

Anyway, ayon kay Zara lahat ay paborito niya sa Sweet Reece’s like yema spread, yema chocolate spread, peanut butter, at no sugar na peanut butter na bagay sa mga may diabetes.

“Yes, masarap din ito na pinapapak… iyong mga gustong umorder, gustong maging reseller, gustong maging distributor, gusto ng extra income, just send us a message sa Facebook page, it’s Sweet Reece’s, ise-search n’yo lang ang aming name and then mayroon din kaming Instagram, it’s sweetreeces07, ayan, mag-send lang kayo ng inquiries diyan, may mga staff tayo na sasagot po sa inyo. La­lo na this Christmas, ma­raming naggi-give aways. After naming luma­bas sa Ma­gan­dang Bu­hay, sobrang daming du­ma­ting na mga inquiries na reseller and distributor,” saad ni Zara.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …