Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Female personality, pinagtataguan ng handa

WALA palang kamalay-malay ang female personality na ito na pinagtataguan siya ng mga inihahandang pagkain sa mga okasyong imbitado siya.

Bakit ‘ika n’yo? May gali kasi ang hitad na mag-take home ng mga lafang na buong ningning na nakabalandra sa buffet table nang ‘di alintana ang mga marami pang bisitang darating.

Kuwento ito mismo ng isa sa mga kusinera na pinagbilinan ng party host.

Maaga kasing dumarating ‘yung female personality, at maaga ring umaalis, Allergic kasi siya sa sobrang traffic, bukod sa hate na hate niyang inaabot ng gabi sa labas,” sey ng aming source.

Ang siste, ihahain muna ang mga pagkaing mabigat sa tiyan para ‘yun ang lantakan ng hitad. At kapag gumora na siya ay at saka ihahain ang mga masasarap na putahe.

Eh, ‘di napigilan nga naman siyang manlimas ng pagkain! Bagama’t ilang beses na raw itong nangyayari ay hindi pa raw nakahahalata ang female personality na itago na lang natin sa alyas na Letty Solomon. (R. Carrasco III)   

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …