BAGAMAT Disyembre ang tradisyonal na buwan ng pagpatak ng Kapaskuhan, Filipinos celebrate it the earliest and the longest.
Unang araw pa lang ng so-called “ber months” ay umaalingawngaw na sa airwaves ang mga Pamaskong awitin, the most frequently played local carol being Jose Mari Chan’s Christmas in our Hearts sa buong maghapon sa iisang himpilan ng radyo pa lang!
Pero alam n’yo bang may kaasaysayan sa likod ng awiting ito na puwedeng sabayan sa pagpaling ng ulo sa kaliwa at sa kanan hanggang sa matapos?
Orihinal na inialok ni JMC ang kanta bilang ka-duet si Lea Salonga noon pero hindi pa expired ang kontrata nito sa ibang recording label. CIOH was recorded under Universal Records.
Originally din, isang tula ‘yon na pinamagatang Tubig ay Buhay na kolaborasyon ng mga mag-aaral which they would perform para ipagdiwang ang kanilang silver jubilee.
Isa sa mga taong ‘yon ang lumapit kay Jose Mari at nakiusap na kung maaari’y lapatan niya ito ng musika. Ginawan niya ‘yon ng melody which took him half of a day, pero naisip niyang bigyan ito ng tunog-Pamasko.
At ‘yun na nga ang kinalabasan.
Since Lea couldn’t do the duet, naisip ng batikang singer-composer na kantahin at i-record ‘yon with his then-19 year-old daughter Liza.
To this day, wari’y national antem na ang CIOH tuwing Pasko, kundi man tatlong buwang mas maaga pa kaysa holidays.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III