DREAM come kay Ruru Madrid ang unang pelikulang pagsasamahan nila ni Jasmine Curtis Smith, ang Cara X Jagger mula APT Entertainment at Cignal TV.
Kaya naman napakasaya niya sa pelikulang ito. Aniya, “Excited at kinakabahan po ako. Matagal ko na pong pangarap na makatrabo si Jasmine dahil naniniwala po ako na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon.
“Nagpapasalamat ako sa APT sa tiwalang ibinigay nila sa akin at kay Jasmine. Ito angh proyektong hinding hindi ko makalilimutan. Very proud po ako sa ‘Cara X Jagger.’”
Isang romantic drama ang Cara X Jagger na idinirehe ng ace cinematographer na si Ice Idanan at sa orihinal na istorya ni Acy Ramos. Naka-sentro kina Cara (Curtis) at Jagger (Madrid) ang istorya na isang dating magkasintahan na haharap sa isang matinding paghamon at komplikasyon sa susubok sa kanilang pag-iibigan. Pilit na kinakalimutan ni Cara ang isang masakit na pangyayari na sumira sa relasyon nila ni Jagger. Habang si Jagger naman ay pilit na inaalala ang kanyang nakaraan matapos mawala ang kanyang alalala dahil sa isang aksidente.
“It’s a very different kind of love story,” sabi naman ni Jasmine. “Character-centric ang ‘Cara X Jagger’ at kahit na kakaiba ang conflict nina Cara at Jagger, their story still represents what love is all about which is loving someone unconditionally and moving on kahit na gaano ka-painful ang isang relationship.”
Bale ito ang unang mainstream movie ni Jasmine na ngayo’y nasa Kapuso Network at lumabas sa matagumpay na serye ng Siete na Pamilya Roces at bahagi siya ng bigating ensemble cast ng hinihintay ng lahat na Descendants Of The Sun.
Bagamat pitong taon ang hinintay ni Jasmine para magbida sa isang mainstream bilang isang lead actress, worth the wait naman para sa kanya ang Cara X Jagger.
Ikinuwento ni Jasmine kung paanong ‘di niya malilimutan ang kanyang experience sa shooting ng Cara X Jagger at kung gaano siya ka-excited na ibahagi ang pelikulang ito sa lahat. “We have worked so hard to make Cara X Jagger an unforgettable movie. I am humbled and inspired by our team at ready na ako sa pag-promote ng pelikulang ito. Sana lahat suportahan ang love story nina Cara at Jagger.”
Si Ruru naman ay isa sa pinaka-mahusay na homegrown artist ng GMA-7. Matapos siyang umangat sa mainstream popularity sa Protégé: Battle For The Big Artista Break, nagbida si Ruru sa ilan sa mga top-raters ng GMA-7 tulad ng Dormitoryo, Let The Love Begin, Encantadia, Alyas Robinhood, ang katatapos lamang na TODA One I Love, at marami pang iba.
Tampok din sa Cara X Jagger sina Dante Rivero, Dino Pastrano, Gabby Padilla, Miko Raval, Kenneth Medrano, Michelle Dee, at Sophie Albert.
Ipapalabas ang Cara X Jagger sa mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Nobyembre 6.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio