Friday , December 27 2024

Galing ni Julio Sabenorio, nakabibilib

MAHUSAY umarte itong pinakabida sa Guerrero DosTuloy Ang Laban si Julio Sabenorio na gumaganap na kapatid ng boksingerong si Guerrero. Kaya naman palakpakan ang mga manonood matapos ang pelikula at matapos silang paiyakin ng batang ito.

Ginanap ang celebrity screening at press preview ng Guerrero Dos: Tuloy Ang Laban handog ng EBC Films (Eagle Broadcasting Corporation) sa INC Museum Theater na dinaluhan ng cast at mga taga-production.

Nagustuhan namin ang pelikulang idinirehe ni Carlo Ortega Cuevas na marami na palang napanalunan ang kanyang pelikulang ito kabilang ang Best International Filmmaker sa Festival of World Cinema sa London at Best Screen Play sa International Film Festival Manhattan.

Sa part 1 ng pelikula (2017), ipinakita ang buhay ni Ramon bilang boxer na wala pang naipanalong laban hanggang sa ma-comatose na siya. Magsisimula ang part 2 ng movie sa ospital na naka-confine si Ramon, dalawang taon na siyang comatose kaya two years na ring nagbabantay sa kanya ang ina at kapatid na si Miguel.

Doon na halos nakatira ang nanay at bunsong kapatid ni Ramon kaya umikot ang buong pelikula sa naging buhay ng mag-ina sa loob ng ospital at sa mga taong naging bahagi na ng kanilang pakikipaglaban para sa paggising ni Ramon.

Anang award-winning director na si Cuevas, “The story focuses on Miguel Guerrero and how he can make those people happy inside the hospital despite their illness.” 

Maganda ang kuwento ng pelikula, magagaling ang lahat ng artistang nagsiganap bagamat baguhan ang ilan sa kanila at hindi pa nabibigyan ng malaking break sa mainstream at telebisyon.

Sa totoo lang, natural na natural ang kanilang akting kaya naka-relate ang mga manonood.

Pero ang nagpaiyak sa mga nanood sa special screening ay ang makatotohanang pagganap ni Julio bilang si Miguel. Napakagaling na bata. Na akala nami’y marami nang drama series na nagawa pero wala pa pala.

Ayon kay Julio, wala siyang malalim na pinaghugutan sa pagganap bilang Miguel, isinapuso lang niya ang karakter at inisip na totoong nangyayari ang mga madadramang eksena.

Kapag po sa drama, ‘yun po ‘yung pinakamahirap na gawin. ‘Yung pag-iyak mahirap din po pero ‘pag nandoon ka na, basta tutulo na lang po ‘yung luha ko.” 

Isa pa sa nagmarka ay ang karakter ni Lolo Ruben na ginampanan ni Art de Guzman. Siya ang pasaway at laging galit na asawa ni Delia na nagtangkang mag-suicide dahil sa pagkamatay ng kanilang nag-iisang anak.

Magaling din ang gumanap na Nurse Liza sa movie na si Mia Suarez. Ang ganda-ganda niya na parang Korean actress.

Okey din ang gumanap na guard na nakalimutan ko ang name.

Showing na ngayong Nobyembre ang Guerrero Dos at gaganapin ang premiere night nito ngayong Oct. 29, sa SM Megamall Cinema 4.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *