Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariel Villasanta, nagsanla ng bahay para sa pelikulang Kings of Reality Shows

KAKAIBANG pelikula ang mapapanood sa Kings of Reality Shows (The Untold Story) na first reality movie nina Ariel Villasanta and Maverick Relova with Mommy Elvie. Ang pelikula na show­ing na sa Nov. 27 ay mula sa Lion’s Faith Productions at ito’y distributed ng Solar Films.

Ten years in the making ito at star-studded mula sa showbiz at politics. Sobra ang ginawang pakikipagsapa­laran dito ni Ariel, to the point na sariling bahay niya mismo ay kanyang isinanla para mabuo ang pelikula. Binili pa niya kasi ang rights nito sa GMA-7, na ten years ago pa nagsimula nang sila’y mag-shooting para sa nasabing pelikula.

“Isinanla ko ang bahay ko para lang matapos itong movie na ito. Yes tama ka, hindi pala two years in the making ito, ten years in the making,” saad ni Ariel nang makapanayam namin.

Pahabol na esplika niya, “Sa tao ko lang naman isinanla, ayaw kasing tanggapin sa banko dahil lumulubog daw ‘yung lugar. Kapag hindi ko iyon natubos, wala na… So, alam n’yo na kapag sa tent na lang ako nakatira,” nangingiting saad ni Ariel.

Dagdag niya, “This is dedicated to all struggling artists. Anoman ang kahinatnan nito, okay lang. Ayaw ko lang ‘yung mag-regret ako pagtanda ko at magsisi ako kung bakit hindi ko ito ginawa.”

Kabilang sa celebrities na mapapanood at tumulong kay Ariel para maitawid ang pelikula niya ay sina Sen. Manny Pacquiao, Alden Richards, Vice Ganda, Anne Cur­tis, Coco Martin, Maine Mendoza, Joey de Leon, former-sen. Antonio Trillanes, Mayor Sarah Duterte, Manila Mayor Isko Moreno, Empoy Marquez, Sen. Bato de la Rosa, Jose Manalo, Asec Mocha Uson, Suzette Ranillo, Regine Tolentino, Jasmine Trias at iba pa.

Mapapanood din dito ang namayapang veteran actor na si Eddie Garcia at baka pati si Pres. Rodrigo Duterte, na ang standee ay nasa teaser ng movie.

Nang usisain kasi namin si Ariel kung kasali ba sa movie si Pres. Duterte, ang bitin na sagot niya sa amin ay, “Abangan n’yo, surpise iyan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …