AMINADO si Mary Joy Apostol na sobrang saya niya sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Mula kasi nang nagbida siya sa pelikulang Birdshot ni Direk Mikhail Red na kauna-unahang Pinoy movie na ipinalabas sa Netflix, nagkasunod-sunod na ang project ng aktres.
“Ang reaction ko po is super-happy talaga sa blessing and super-thankful sa mga nangyayari po sa career ko. Masasabi ko na malaki po ‘yung naging pagbabago ng kapalaran ko sa showbiz noong nagawa ko po ‘yung Birdshot, kasi po roon ko naipakita ‘yung talent ko and nai-share ko rin po sa iba.
Happy din si Majoy (nickname ni Mary Joy) na umabot sa 1.2 million views ang 12 Days to Destiny.
“Nagpapasalamat po kami na may bago kaming project ni Aki, ito bale ‘yung part 2 po ng 12 Days to Destiny dahil umabot sa higit one million views po ‘yung unang movie, kaya marami rin pong nagre-request na viewers ng part 2.”
Ano ang reaction niya na sa YouTube ito napapanood, imbes sa sinehan or sa TV? “Siguro patok po kasi ngayon ‘yung mga viral video, sa panahon po ngayon marami na po ang gumagamit ng internet,” sambit ni Majoy.
Marami bang kargang pampakilig ang part-2? “Yes may kilig pa rin po, mas matured din po,” nakangiting wika pa ni Majoy.
Ang pelikula ay prodyus ni Mr. Robert Tan na Founder at CEO ng Blade Auto Center. Kasama rito ang original casts like Xander Pineda, Carissa Viaje at may mga bago rin daw na dagdag, ang direktor nito ay si CJ Santos.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio