Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cara X Jagger nina Jasmine at Ruru, isang ‘di malilimutang love story

UNANG pagtatambal nina Jasmine Curtis at Ruru Madrid ang romantic-drama movie na Cara X Jagger ng APT Entertainment at Cignal TV.

Sa direksiyon ni Ice Idanan at sa orihinal na istorya ni Acy Ramos, ang Cara X Jagger ay isang ‘di malilimutang love story na nakasentro kina Cara (Jasmine) at Jagger (Ruru), na isang dating magka­sin­tahan na haharap sa matin­ding paghamon at komplika­syon na susubok sa kanilang pag-iibigan.

Pilit na kinakalimutan ni Cara ang isang masa­kit na pangyayaring sumira sa relasyon nila ni Jagger. Habang si Jagger na­man ay pilit na inaa­lala ang kanyang naka­raan matapos mawala ang kanyang alalala dahil sa isang aksi­dente.

Isang award-winning na aktres at isang celebrity influencers ngayon na milyon ang followers sa social media, kilala inter­nationally si Jasmine dahil sa kanyang critically acclaimed na pagganap sa indie hit na Transit. Mula nang nagsimula sa showbiz noong 2010, napanood si Jasmine sa ilang mga independent films gaya ng DementiaBonifacio: Ang Unang Pangulo Baka Bukas, at Maledicto.

Sa kasalukuyan, nasa Kapuso Network ang aktres at lumabas sa matagumpay na serye ng Siyete na Pamilya Roces at bahagi ng bigateng ensemble cast ng hinihintay ng lahat na Descendants Of The Sun.

Nabanggit ng younger sister ni Anne Curtis ang ‘di malili­mutang experience sa shooting ng kanilang pelikula ni Ruru. “It’s a very different kind of love story,” aniya. Saad ni Jasmine, “We have worked so hard to make Cara X Jagger an unforgettable movie. I am humbled and inspired by our team at ready na ako sa pag-promote ng pelikulang ito. Sana lahat suportahan ang love story nina Cara at Jagger.”

Si Ruru naman ay isa sa pinakamahusay na homegrown artist ng GMA-7. Matapos siyang umangat sa mainstream popularity sa Protégé: Battle For The Big Artista Break, nagbida si Ruru sa ilan sa top-raters ng GMA-7 tulad ng DormitoryoLet The Love BeginEncantadiaAlyas Robinhood, ang katatapos lamang na TODA One I Love, at iba pa.

Ipinahayag ni Ruru ang kasiyahan sa pelikula nilang ito ni Jasmine. “Dream come true po ito. Excited at kinakabahan po ako. Matagal ko na pong pangarap na makatrabo si Jasmine dahil naniniwala po ako na isa siya sa pinaka­mahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Nagpapasalamat ako sa APT sa tiwalang ibinigay nila sa akin at kay Jasmine. Ito ang proyektong hinding-hindi ko makakalimutan. Very proud po ako sa Cara X Jagger.”

Tampok din sa Cara X Jagger sina Dante Rivero, Dino Pastrano, Gabby Padilla, Miko Raval, Kenneth Medrano, Michelle Dee, at Sophie Albert. Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa simula sa 6 Nobyembre.

Para sa mga karagdagang impormasyon at mga kapana-panabik na updates sa Cara X Jagger, sundan ang @aptentertainment.ph sa Instagram at i-like ang APT Entertainment, Inc. sa Facebook.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …