KUNG hindi pa raw nangyari ang kasalukuyang “Immigration Supervisor’s Seminar” ay hindi pa mabibisto na magpahanggang ngayon ay wala pa rin daw official caterer ang current training ng mga newly hired Immigration Officers sa Philippine Immigration Academy sa Clark, Pampanga.
Na naman?!
Mag-iisang buwan na raw ay kanya-kanya pa rin bili ng kanilang pagkain ang bagong IOs at ngayon daw ay nadagdag na rin sa kanilang pahihirapan ang mga bisor sa BI-NAIA!
Wattafak RPL!?
E anong nangyari sa badyet ng mga ginagawang training and seminars diyan??
Bakit nagko-conduct ng training kung wala naman silang ipakakain sa participants??
Dahilan daw ng mga hindoropot at bida-bidang Junior Training Officers (JTOs) ng CTR ay hindi pa raw approved ng BI Bids and Award Committee (BAC) ang badyet para sa training at pagkain para sa trainees at mga bisor na nariyan.
(Take note: May mukha pa raw mag-impose ng mahigpit na house rules ang mga JTO samantala sila naman ang numero unong violators sa mga ipinatutupad na tungkulin sa lugar!?)
Ang kakapaaal naman talaga!
Wala palang badyet e bakit nagpa-training pa?
Ibang klase talaga!
Bullies na nga, wala pang awa!
FAQ!
Kanya-kanyang bili raw sa karinderya ang mga bagong IOs pati mga bisor na nandoon ngayon kaya gigil na gigil daw ang old timers na empleyado na kasali sa sistema ng CTR o Center for Training and Research.
Susme!
Kung iisiping mabuti, paano kung sakaling ma-approved na ang badyet makalipas ang isang buwan?
Ire-reimburse pa ba sa mga trainee ang ginastos nila?
E ‘di nganga!
Magiging TY na lang ba ang isang buwang badyet na dapat ay para sa trainee participants?
So kaninong bulsa ngayon mapupunta ang sobra?
Dedmakels na lang siyempre!
Hindi raw malayo na ang makinabang sa sobrang badyet ang Lola Si-reyna?
Tama o mali, IO Golepang?
O kaparte rin kayo sa hatian?
‘Di ba ang tawag sa ganyan ay simpleng pandaraya?
Noon pa naman natin sinasabi na ‘di tayo naniniwala na “righteous pa-epek” ang mga nilalang diyan sa PIA.
Kundi pa natin alam ang tunay na karakas ng tumatayong si-reyna d’yan ‘no!
Darami ba ang mga “peyk Filipino” sa Filipinas kung hindi maraming minadyik na papeles ang isang ‘yan!
Milyones umano ang kinita ng malditang bruha!
Ewan lang kung properly informed ang office ni Comm. Morente sa nangyayari riyan sa BI-CTR!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap