Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, idinepensa si KC: daring photos, isang art

AMINADO si Gabby Concepcion na nagulat siya sa daring photos ni KC Concepcion sa Instagram account ng anak kamakailan.

Pero bilang isang ama ay supportive si Gabby kay KC.

Art daw ang sexy pose ni KC sa IG account nito.

“Well, ako, I love art, so maganda naman ‘yung mga ganoon,” say ni Gabby sa interview sa kanya sa presscon Beutederm na ang guwapong actor ang bagong endorser.

”Marami naman akong nakikitang mga ganoong style.

“Pero, of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang.

“But I’m open to that.”

Idinepensa ni Gabby si KC sa mga basher.

“There will always be critics, so okay lang ‘yun.

“That’s how she feels, that’s how she wants to express herself in photo sessions, art forms.”

Samantala, napag-usapan nina Gabby at KC ang tungkol sa break-up nina KC at French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart.

“’Yun ang maganda sa buhay, it’s unpredictable and life is full of challenges.

“And nandito na naman tayo sa isa sa mga challenge ng buhay. Hindi lang naman siya, lahat tayo, and nag-usap kami.

“Happy naman siya ngayon.

“Katulad ng sabi ko, ang importante naman, happy siya.”

Ano ang advice niya sa anak?

“Mahirap kasi marami na rin akong naibigay na advice sa kanya.

“Kapag nagkikita kami, ‘Are you happy? How are you? Are you okay?’

“Ang importante naman, may communication.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …