Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echiverri, ayaw makisawsaw sa away ng mga Barretto

MATAPOS basagin ni Marjorie Barretto ang kanyang pananahimik noong Martes ng gabi, sinubukan naming hingan ng reaksiyon si dating Caloocan mayor at dating congressman Enrico ‘Recom’ Echiverri. Si Echiverri ang tinukoy ni Gretchen Barretto na ama ng bunsong anak ni Marjorie.

Inamin naman ni Marjorie na si Echiverri nga ang ama ng kanyang bunsong anak.

Subalit nabigo kami at sinabing ayaw makisawsaw sa away ng magkakapatid. “Hayaan na lang daw na sila-sila (Gretchen, Marjorie, at Claudie) ang mag-away. Ayaw niyang (Echiverri) makisawsaw,” sambit sa amin ng dating malapit sa politiko.

Pero sa ayaw man at sa gusto ni Echiverri, kasama na siya sa away ng magkakapatid lalo’t inamin na ni Marjorie ang naging relasyon nila pagkatapos ng maraming taon.

Sa interview ni Karen Davila kay Marjorie sa ABS-CBN News, inamin nitong hindi siya perpekto kaya’t kahit may asawa si Echiverri ay nakipagrelasyon siya rito.

“Alam mo, hindi ako perfect. I’m very strong in many ways, pero sa pag-ibig talaga, mahina ako. I’m sorry, I’m not very proud of it. That is the reason why I was not announcing to the public,” paliwanag ni Marjorie.

Sinasabi pa ni Marjorie na, “I wasn’t claiming to be perfect, pero ayoko nang makasakit ng ibang tao pa. Maraming masasaktan, eh, kung magiging garapal ako. That’s the reason why I kept it.

“I’m sorry, I’m not perfect. Mali po talaga na I fell in love with a married man. Pero ito na po ‘yun, eh.”

Nilinaw din ni Marjorie na hindi totoo ang bintang na minolestiya ni Echiverri si Claudine. Aniya, favorite word (molestiya) lang daw iyon lagi ni Gretchen.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Gretchen na magpa-file ng kaso si Claudine laban kay Echiverri.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …