Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, natawa sa buntis issue — Bakit ‘di ko alam na buntis ako?!

GULAT na gulat si Nadine Lustre nang kinokompirma ng entertainment press kung siya ang tinutukoy sa mga mga blind item na sinasabing buntis.

Ani Nadine bago umpisahan ang presscon ng Your Moment, hindi niya alam na buntis siya.

“Ha?! Buntis ako?! Bakit hindi ko alam na buntis ako?!

“I guess buong taon tuloy-tuloy (paglabas sa TV at movie) din naman ako. So I think well deserve ko naman na magpahinga and may mga kailangan din akong asikasuhin outside showbiz.”

Natatawa nga si Nadine kung saan nanggaling ang balitang buntis siya. ”Hindi naman nanggaling sa akin kaya huwag nang paniwalaan,” giit niya.

Nang usisain kung bakit siya pumapyat, sinabi nitong nagkasakit siya. ”Viral po and karamihan ng tao may sakit. Kakagaling lang sa rainy seasons.”

Samantala, mapapanood sa Pilipinas sa unang pagkakataon ang Your Moment, ang pinakabagong talent-reality format mula ABS-CBN at Fritz Productions ng Netherlands, tampok ang samo’tsaring dancing at singing acts mula sa loob at labas ng bansa na magtatanghal ng dalawang grand champion sa dalawang talent category sa finals.

Magsisimula ito sa Nobyembre 9 kasama ang judges na sina international RnB sensation Billy Crawford, multimedia princess Nadine Lustre, at star builder Boy Abunda na gagamit ng ‘emotion meter knob’ para bigyan ng score ang bawat performance.

Kulay at excitement ang hatid ng programa sa bawat weekend dahil sa makabago at engrandeng set nito na masasaksihan ng audience at judges ang lahat ng performances sa salit-salitang pag-ikot sa magkahiwalay na dancing stage at singing stage.

Iba-ibang karanasan ang dala ng bawat judge sa kompetisyon na sasalain ang bawat act dahil magiging mahigpit ang mga mata ni Billy (isang world-class performer at host na may malawak na international experience), ni Nadine (na minsan ding sumabak sa auditions at naging bahagi ng isang sing-and-dance girl group bago maging isang award-winning actress at recording artist); at ni Tito Boy (na isang respetadong TV personality, talent manager ng ilan sa mga pinakamaningning na bituin sa bansa, at mapagkakatiwalaang talent search judge).

Sa kabilang banda, pangungunahan naman ang Your Moment ng multi-awarded TV personality na si Luis Manzano at dance icon na si Vhong Navarro bilang hosts.

Magsisimula sa black and white ang bawat performance na habang tumatakbo ay unti-unting magkakakulay at magkakailaw ang stage, samantalang tatlong beses namang kailangang magbigay ng score ang judges gamit ang ‘emotion meter knob’ mula sa pinakamababang score na 1 hanggang sa pinakamataas na 10. Lalabas din sa screen ang ‘emotion meter’ na ipakikita ang scores ng judges sa tuwing papatak sa tatlong ‘time markers’ (20 segundo, 60 segundo, at 90 segundo) ang performance.

Apat na levels ang kailangang pagdaanan ng acts sa kompetisyon bago tanghaling grand champion: ang ”Your First Moment,” “Your Moment of Choice,” “Your Moment of Power,” at “Your Grand Moment.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …