Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nora aunor

Glory days ni Ate Guy, tapos na

MAY say ba si Noel Ferrer na kabilang sa pamunuan ng Metro Manila Film Festival sa pagpili ng mga opisyal na kalahok nito?

As already reported, isa sa natitirang apat na slots ay napunta sa pelikulang Culion na isa sa mga tampok na bituin ay ang alaga ni Noel na si Iza Calzado.

Bago pa man ang anunsiyo nitong October 16 ay ginarantiya na ni Noel na hindi porke maingay ang publisidad ng Culion (dahil sa cameo role ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz) ay tiyak na itong pasok.

Pero dahil nga pinalad itong makasama, anong paliwanag kaya mayroon si Noel?

As it is, inisnab ang Isa Pang Bahaghari na tampok sina Nora Aunor, Phillip Salvador, at Michael de Mesa, among others.

Kung nagkataon, ikalawang taon na sana ito na kasali ang Heaven’s Best Productions na pagmamay-ari ni Harlene Bautista. Last year, the virtually new film outfit fielded Rainbow’s Sunset na umani ng maraming awards.

Na-realize lang namin ang nagdudumilat na katotohanang gone are the glory days of Ate Guy sa tuwing sasapit ang MMFF, ‘di tulad noong late 70s at early 80s kung kailan taon-taon ay mayroon siyang entry, just like her arch rival Vilma Santos.

Napagtanto rin namin na malaki na talaga ang ipinagbago ng taunang festival na ito. Mas revenue-oriented na ito, kung kaya’t mas kumikiling ito sa mga pambatang panoorin.

Sana’y hindi totoo ang iniisip naming katwiran ng MMFF na between Nora at John Lloyd and their respective entries ay mas pipilahan ang sa aktor, if only for the fact na excited ang mga taong tatangkilik ng Culion para masilayan siya.

Ganoon nga ba, Mr. Noel F?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …