Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Ugali ni magandang aktres, ‘di feel ng madir ni aktor

AWARE kaya ang magandang aktres na ito kung ano ang dahilan kung bakit hindi siya feel na madir ng dyowa niyang nakipag-split sa kanya?

Ang tsika, may ugali pala ang aktres na ikinabuwisit ng biyenan niyang hilaw sa tuwing bumibisita ito sa baler nila.

“Naku, saan ka ba naman nakakakita na ikaw na nga itong bisita lang, eh, hindi mo makuhang bumati ng ‘good morning’ o ‘good evening’ sa mismong may-ari ng bahay?” naghihimutok na kuwento ng aming source.

Sa tuwing nagsasadya pala ang aktres sa balay ng dyowa niyang aktor ay dire-diretso lang ito sa second floor na naroon ang kuwarto ng pakay niya.

“Magbigay-galang man lang siya, ‘di ba? Hindi naman chimi-aa ang nagpatuloy sa kanya sa bahay kundi nanay ng boypren niya. Maano ba namang mahiya siya ng kaunti, naturingan pa mandin siyang sweet kuno sa TV at pelikula. Hmp!” dagdag pang sey ng aming source.

Da who ang magandang aktres na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Thea Malonzo, no relation to Rey Malonzo!

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …