Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino si Atong Ang sa buhay nina Gretchen, Nicole, at Claudine?

BINASAG na ni Atong Ang ang kanyang pananahimik sa pag-uugnay sa kanya kina Gretchen, Claudine, at Nicole Barretto.

Bago ito’y inilahad ni Nicole, pamangkin ni La Greta na inagaw ng aktres ang negosyante sa kanya. Agad naman itong itinanggi ni Gretchen at sinabing si Nicole ang unang nang-agaw kay Atong Ang mula kay Claudine. Sinabi pa nitong ‘ibinugaw’ si Nicole ng ina nito.

At habang nakaburol ang ama nina Gretchen at Claudine, nagkaroon ng gulo na nauwi sa pagkaka-ospital ni Claudine dahil sa mga pasa.

Kahapon, nagbigay ng statement si Mr. Ang sa ABS-CBN News sa pamamagitan ni Henry Omaga-Diaz para linawin ang kaugnayan niya sa mga Barretto.

Ani Ang, dating nagtrabaho sa kanya sina Nicole at ina nito, samantalang si Greta ay business partner niya at si Claudine naman ay minsan niyang tinulungan mula sa isang personal na problema.

Mula sa report ng ABS-CBN, nakuha namin ang kabuuang statement na ipinadala ng negosyante. Narito ang kanyang pahayag.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro —’yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …