Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barretto sisters, ikinalat sa socmed ang pagmamaltrato sa isa’t isa

ANO na ba ang nangyayari sa mundo? Kumalat pa sa social media na sila na rin mismo ang nagbabahagi na mga miyembro ng Barretto clan sa pagma-maltrato nila sa isa’t isa.

Akala ko nga sa pelikula lang napapanood o sa komiks lang nababasa ang eksena sa burol ng ama nilang si Mike Barretto ng mga anak nito at apo.

Sa harap ng nakahimlay na ama, ni katiting na respeto, hindi naisa-isantabi ng mga may samaan ng loob at away na magkakapatid at sinalihan pa ng pamangkin. Anong kaguluhan ito?

Parang gusto naman nila na sumikip ang dibdib ng kanilang ina para ito naman ang sumunod. Ganoon ba ‘yun?

Limitado man ang oras at araw para makapiling sa huling sandali ang ama, ni hindi nila nakuha na patahimikin ito sa kanyang pagkakahimlay.

Wala na bang natitirang hiya sa mga anak ng pumanaw at lagi ng nasa warpath? Kulang na nga lang eh, magpatayan.

Nakalilimutan na nila kung bakit sila blessed. Magang-maga na ang mga ego.

Ni hindi mo nga talos kung ano ba ang pinag-uugatan ng mga masasabing petty quarrels nila.

Sa tingin niyo, saan nagkamali ang mga magulang nila? Mga anak, bakit kayo nagkaganyan?

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …