Friday , December 27 2024

Another one bit the dust RIP Jupiter Gonzales

MALUNGKOT ang naging wakas ni Jupiter Gonzales. Tinapos ng dalawang balang naglagos sa kanyang ulo ang  kanyang 52-anyos na buhay.

Nakikiramay  tayo sa kanyang mga naulila.

Pero ang isa sa malungkot na bahagi nito at ang katotohanan na hindi kayang pasubalian, nagpapatuloy ang media killings sa bansa.

Si Jupiter ay reporter at kolumnista ng pahayagang Remate at Bagong Toro.              

Kilala siyang kritiko ng mga ilegal na sugal, gaya ng colors game, bookies, jueteng at iba pa.

Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), naniniwala sila na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pagpatay kay Gonzales.

“Binabanatan sa mga kolum niya ang mga ilegal na sugalan at peryahan sa lugar,” ayon kay PTFoMS executive director Joel Egco.

Kaya hindi tayo dapat magtaka kung bakit sa harap ng peryahan inutas si Jupiter at ang kanyang kasama.

Kaya kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pagpaslang kay Jupiter, sa tala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), siya ang ika-14 na peryodistang pinaslang sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ika-187 mula pa noong 1986.

Pero ang higit na nakapagtataka tuwing bago ang administrasyon ay nagbubuo ng task force laban sa media killings, extrajudicial killings at kung ano-ano pang killings at pandarahas laban sa mga mamamahayag pero ganoon at ganoon pa rin… mayroon pa ring napapaslang.

At ang pinakamarami ngang napaslang na mediamen ay ‘yung Ampatuan massacre sa Maguindanao.

Sa nabanggit nating bilang ng mga napas­lang, wala tayong natatandaan na nakakamit ng katarungan.

Sana’y hindi ito mangyari sa kaso ni Jupiter lalo’t siya’y malapit kay kasalukuyang PTFoMS executive director Joel Egco.

Madalas nga nating marinig kay Usec. Egco ang idiom na “To leave no stone unturned…” kaya umaasa tayo na saglit lang at tiyak na makakamit ni Jupiter ang katarungan…

At kapag nangyari ‘yun puwede na nating sabihin… “Rest in peace Jupiter.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *