Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yorme Isko, napasugod sa naglalasing na kagawad

“W ALANG Mayor-mayor sa akin!” ito ang mga salitang binitiwan ng isang kagawad sa isang barangay sa Maynila na inireklamo’t iniharap sa pulisya nang mahuling naghahapi-hapi ang grupo sakop ang isang kalsada.

Mahigpit nga namang ipinagbabawal ang pag-inom sa mga pampublikong lugar na isang pambansang ordinansa.

Pero giit ng kagawad, maliit masyado ang kanyang tinitirhan para magkasya ang mga nagdiriwang ng kaarawan ng isang kaanak.

Hindi ito pinalampas ng aktor-politiko na ngayo’y Manila City Mayor Isko Moreno. hitsurang dis-oras na ng gabi’y napasugod siya sa himpilan ng pulisya na roon dinala ang kagawad.

Nagkataon pang masama noon ang pakiramdam ni Mayor Isko, pero hindi niya ‘yon inalintana.

May pagkamaangas kasi ang kagawad na nakuha ngang magsalita na walang mayor-mayor sa kanya, kaya si Mayor Isko na ang siyang nagsadya sa kanya, ”Baka nami-miss mo na ‘ko kaya ako na ang nagpakita sa ‘yo,” pabiro pero sarkastikong bungad ng alkalde sa opisyal ng barangay.

Doon lang namin natuklasan na talagang leadership by example ang estilo ni Mayor Isko, ”Kahit nga kating-kati ako manigarilyo, naghahanap talaga ako ng liblib na lugar para magyosi.”

Ang pagiging smoker niya ang hindi lang naming nadiskober kundi ang mismong pagtalima niya sa batas.

‘Kakabilib!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …