Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheree Bautista
Sheree Bautista

Sheree, pagsasabayin ang acting at singing

TALAGANG mahal ni Sheree ang music at hindi ito nawawala sa kanyang sistema. Ito kasi talaga ang first love niya at unang ginawa nang sumabak sa showbiz. Kaya desidido ang magandang ex-Viva Hot Babe na pagsabayin ang acting at ang pagkanta.

“Yes po, pagsasabayin ko ang singing and acting, first love ko po kasi ang pagkanta and ‘yung pag-arte, ‘yun naman po ‘yung bread and butter ko. Pareho ko pong gusto ‘yung ginagawa ko, mahal ko pareho ‘yung craft na iyon.

“Nag-theater po ako, so ‘yun po ang naging training ground ko na magawa pareho ang singing and acting,” pahayag ni Sheree.

Nabanggit din ni Sheree na may nasulat silang kanta ng kapatid niyang nurse sa US na si Al Bautista.

“Kuya, mayroon kaming isinulat ng bro ko na song, Sabit ang title at ito’y tungkol sa famous celebrity love triangle. Na-inspire lang kasi kami ng bro ko na sulatan ng song ‘yung feeling gang ganoon. Naisip lang kasi namin noong nagbabatuhan kami ng idea, sobrang bagay ‘yung lyrics.

“Inisip namin kasi, ano kaya ang nasa isip nila, ‘no? Iyong pain ng babae at ‘yung nasa mind ng lalaki at ng 3rd party? Kaya, nabuo po namin iyong kanta.”

Hugot song ba iyan na makare-relate ang millennials?

“Yes po, makare-relate sila. Sabit and Tama Na, iyan po ang titles ng songs,” aniya.

Balak daw ni Sheree na ilabas itong single. Sa pagkakaalam ko, ito na bale ang magiging fourth single ng singer/actress.

Naikuwento pa ni Sheree na sasabak din siya sa Tawag ng Tanghalan. “Sasali po ako sa TNT, for the first time after so many years ay sasali ako sa singing contest.”

Samantala, happy si Sheree sa patuloy na exposure niya sa ABS CBN’s Kadenang Ginto na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Andrea Brillantes, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …