Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reunion movie ni Nora kay Ipe, pilahan sana ng mga noranian

KUNG hindi kami nagkakamali, masasabing reunion movie nina Nora Aunor at Phillip Salvador ang MMFF sanang entry nila na Isa Pang Bahaghari.

Ikalawang offering ng Heaven’s Best Productions, tampok rin dito si Michael de Mesa na sumisimbolo ng “bahaghari” (na associated with the LGBTQ+ community).

Sa mga nakakaalala pa, dekada 80 nang magsama sina Ate Guy at Kuya Ipe sa pelikulang Bona na isa ring kalahok sa taunang festival. Idinirehe ‘yon ni Lino Brocka (SLN).

Hindi sequel ng Bona ang Isa Pang Bahaghari dahil magkaibang-magkaiba ang kuwento ng huli tungkol (batay na rin sa napanood naming trailer on Facebook) naunsyaming relasyon ng mga karakter na ginagampanan nina Nora at Phillip sa matagal nang panahong hindi nagkikita (pero nagbunga ang kanilag pag-iibigan).

Ang presensiya naman ni Michael de Mesa complete the friendship sa kanilang tatlo noong kabataan pa nila. At mukhang nagkaroon ng “something” kina Phillip at Michael.

As usual, tame at tempered ang acting ni Ate Guy sa nasabing pelikula. Lumpo man siya, pero bumabanat ng mga dayalogong muli na namang ikakapalakpak ng kanyang mga tagahanga.

Tiyak na shoo-in na naman si Ate Guy sa mga nominado bilang Best Actress.

Sana lang ay pilahan ‘yon ng mga Noranian na nakikipagpatayan nga para sa kanilang idolo, pero tinatamad namang manood ng mga pelikula niya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …