ISA kami sa napakaraming disappointed sa ‘di pagkapasok ng Isa Pang Bahaghari sa huling apat na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2019.
Sayang, it has what it takes pa naman na maging isang karapat-dapat na festival entry kompara rin lang sa ibang pinalad na mapakasok.
Hindi namin alam kung anong criteria ang ipinairal ng komite, basta kung anuman o ano-ano ang mga ‘yon ay ‘di makatarungan.
Gusto na lang naming isipin bilang pampalubag-loob na talagang ang tinarget ng pamunuan ng MMFF ay revenue, na kailangang mag-akyat ng limpak-limpak na kita ang walong official entries.
‘Yung kay Nora Aunor nga naman, maganda nga ang pagkakagawa ay anong bentahe mayroon sa takilya? Lalo pa kung hindi naman susuportahan ng mga Noranian, ‘di ba?
Sinong mga batang karay ang kanilang mga magulang ang magtitiyaga at excited pumila sa IPB, eh, hindi naman sadyang ginawa ‘yon para sa mga bata?
Talagang lumilitaw lang ang katotohanan na ang Pasko’y para sa mga bata.
Parang ngayon lang naisnab ang isang Nora Aunor movie sa buong kssaysayan ng MMFF.
At nakadedesmaya ito, sa true lang, kahit hindi kami isang Noranian!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III