Sunday , November 24 2024

Habang bisita si Pangulong Digong… Away ng Barretto sisters sa lamay ng tatay sumapaw sa isyu ng ‘GCTA’ at ‘Ninja cops’

ISANG ‘pambansang aliwan’ talaga ang showbiz sisters na walang ginawa kundi ipaglaladlaran ang away nilang magkakapatid sa publiko.

Ang alam lang natin, mahilig sa word war ang Barretto sisters, pero nagulat tayo sa pinakahuling insidente na para silang mga manok na panabong na nag-derby sa harap pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi nga ni Senator Christopher “Bong” Go, kung ano ang nakikita o napapanood ng madla sa telebisyon kapag nanonood ng teleserye, ganoong-ganoon daw ang nangyari.

Kawawa naman si Pangulong Digong, nakiramay na nabastos pa?!

At kung hindi tayo nagkakamali, iisang tao lang ang pinagtatalunan, si Double A na open secret naman na malapit sa Barretto sisters gaya nina Claudine at Gretchen, at sabi nga maging ang pamangkin nilang si Nicole ay special friend na rin.

Kaya raw hinamon ni Ms. Gretchen na ilantad ni Ms. Marjorie ang erpat ng kanyang bunsong anak dahil parang nagmamalinis pa.

Asus!

Ay, ang masasabi lang natin, no need na, kasi alam na alam ng mga taga-Camanava ‘yan. Kahit itanong pa natin kay Usec. Alvin Feliciano.

Mantakin ninyo, dahil sa rambol ng Barretto sisters, natabunan ang isyu ng Good Conduct  Time Allowance (GCTA) at ‘ninja’ cops?!

Kaya maraming politiko ang natutuwa sa “the sisters” ‘e.

Buti na lang, hindi bumangon sa kinahihim­layan ‘yung tatay.

Arayku!

Kailan kaya matututuhan at maiintindihan nang todo ng Barretto sisters ang salitang behave at GMRC?

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *