Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne Curtis, buntis na

NAGKAGULO ang karamihan ng friends namin sa Facebook nang ihayag naming, isang aktres ang positibong buntis. Marami ang nag-PM, nag-comment, tumawag, nagtext para itanong lang kung sino ang tinutukoy naming buntis.

May nagsabing ang tinutukoy naming aktres ay si Nadine Lustre. Mayroon ding nagsabing si Kathryn Bernardo. At may nagsabing si Julia Barretto. Pero lahat ng hula ay mali.

Lahat ay excited malaman kung sinong aktres ang tinutukoy naming buntis.

Bago namin nakompirma ang pagbubuntis ng aktres, napuna na namin ang kakaibang aura niya. Maluluwag ang mga isinusuot niyang damit at nang titigan namin ang kanyang mukha, sure kaming buntis nga siya.

At noong Biyernes, nakompirma ang aming hinala. Buntis nga si aktres. Ang tinutukoy namin ay si Anne Curtis. Sa excitement, hindi namin naitanong kung ilang buwan na. Pero sa aming tantiya, 2 or 4 mos na ang tiyan ni Anne.

Kasabay ng paglabas ng aming panulat na ito ang pag-a-announce rin ni Anne sa kanilang show na It’s Showtime ang ukol sa kanyang pagbubuntis.

Ayan, matitigil na rin ang pangungulit sa kanya kung kalian nila balak mag-anak ni Erwan Heussaff. Hindi naman kasi minamadali ang mga bagay-bagay dahil may tamang panahon ang lahat ng bagay.

To Anne and Erwan, congratulations!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …