Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anestisya, most wanted song!

GRABE ang mga natatanggap na request ng mga FM station tulad ng Barangay LS, Win radio, Wish FM, at MOR sa latest song ng JBK, ang Anestisya.

Ultimate hugot song kung ilarawan ito ng mga listener dahil sa relatable lyrics. Kaya naman masayang-masaya ang JBK dahil patuloy ang pagsuporta ng tao sa kanilang kanta

Anang grupo na kinabibilangan nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio”Masarap sa pakiramdam na maraming tinamaan sa song namin. Ibig sabihin, naka-relate sila. Mahalaga sa amin ‘yun na nararamdaman nila ‘yung mensahe ng kanta. Sana patuloy pa nilang i-request sa lahat ng FM stations.”

Sa mga hindi pa nakakakilala sa JBK, sila ang grupong naging semi-finalist sa X-Factor UK 2017. Pagkatapos nito’y nakilala na ang grupo lalo na nang gamiting themesong  ang kanilang mga kantang  Maibalik at Anong Meron Ka sa mga Koreanovela sa GMA.

More than 100,000 views na ang lyrics video ng Anestisya sa YouTube  channel ng Rider PH Studios.

Ang Anestisya ay isinulat ni Jojo Panaligan at ipinrodyus ni Lester Ramos.

Mapa­kikinggan ang Anestisya sa  Spotify, iTunes, at iba pang digital music platforms. Puwede pa ring i-request ito sa iba’t ibang FM stations.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …