PAGKAKALOOBAN ng Taguig ang mga guro sa pampublikong paaralan ng lounge na maaari nilang pagpahingahan, upang mas maisaayos ang edukasyon lalo sa mga serbisyong nakatuon sa pag-unlad at paglinang ng kagalingan ng mga mag-aaral at guro.
Sa isang seremonya, binuksan sa EM’s Signal Village Elementary School (EMSVES) sa Central Signal ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa Taguig nitong 17 Oktubre 2019.
Naglalaman ng entertainment area, lounge, pantry and conference room ang nasabing pasilidad.
Kasunod nito, bubuksan ang pangalawang Teacher’s Lounge sa Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) na matatagpuan sa Ususan.
Binabalak din patayuan ng City Hall ang mga natitirang pampublikong paaralan sa darating na Enero 2020.
Magkakaroon ng kanya-kanyang Teacher’s Lounge ang 26 paaralang elementarya at 10 high schools na matatagpuan sa Taguig.
Ang nasabing inisyatibo ay pakikinabangan ng 38 principals at halos 4,156 guro, o higit pa, base sa tumataas na oportunidad para sa mga tagapagturo sa sistema ng pampublikong paaralan sa Taguig.
“We recognize that our self-sacrificing teachers need a reprieve from their immense workload,” wika ni Mayor Lino Cayetano.
“The Teachers’ Lounge is space where they can eat, unwind, bond with each other and conduct meetings. Above all else, it will raise their morale, help them de-stress, promote dialogue and build a sense of belonging,” anang alkalde.
Layon ng nasabing programa na tumugon sa mas malaking pangangailangan ng mga guro, na mas mapabuti at mabigyan ng mas kapakipakinabang na pasalidad ang mga estudyante at mga guro; at isulong ang kadalasan ay nakalilimutan — ang kapakanan ng mga guro.
Sa kanyang paliwanag, “Our buildings have to be relevant, resilient and responsive, yes. But we often forget to include our teachers. They have to always be an integral part of our plans if we are to further improve education in Taguig.”
Kasama rin sa seremonya si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang mga lingkod bayan ng Taguig.
Babagay ang Teachers’ Lounge sa ilang highlight ng sistema ng pampublikong paaralan ng Division of Taguig and Pateros, na kilala bilang unang naging pang-13 sa ranggo ng National Achievement Tests sa National Capital Region hanggang manguna sa pangkalahatan para sa Grade 6 at fourth year high school sa loob lamang ng limang taon, sa pagitan ng 2010 at 2015.
“The lounges are for the well-being and quality of life of our teachers. This is to better care for one of our most precious partners in developing the young minds of our children,” wika ni Mayor Cayetano.
“This redounds to the interest of the child, ultimately. A happy, content teacher is always a step in the right direction.”