ANG pelikulang Mindanao ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama ang internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza at ang celebrated actress na si Judy Ann Santos. Tampok din dito si Allen Dizon, na ilang ulit nang nakatrabaho ni Direk Mendoza.
Nagkaroon ng world premiere ang pelikula nila noong 5 Oktubre 2019 sa ika-24 na Busan International Film Festival (BIFF) sa Busan, South Korea. Kabilang ang Mindanao sa Icons, isang newly established section sa BIFF na itinatampok ang pinakabagong pelikulang gawa ng iconic filmmakers mula sa buong mundo.
Ang Mindanao ay tungkol sa kuwento ni Saima (Judy Ann Santos), isang inang nag-aalaga sa cancer-stricken niyang anak na si Aisa (Yuna Tangog) at sa asawa niyang si Malang (Allen Dizon), isang combat medic na deployed sa isang civil conflict laban sa mga rebelde.
Para suportahan ang Filipino filmmakers at pelikulang Filipino sa pagpasok sa global arena, ipinagpatuloy ng FDCP ang pangunguna sa partisipasyon ng Philippine Delegation sa BIFF ngayong taon pagkatapos nitong pangunahan ang Filipinas bilang Country of Focus noong 2018.
Bukod rito, pinuri ang Mindanao para sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood. Pinabilib din ng aktres na si Santos ang audience sa kanyang acting performance. Ang BIFF ang una niyang red carpet experience sa isang international film festival. Ayon sa isang Screen Daily film review, ”This is not a film which leaves any emotional button unpushed. And indeed, the film features a third act of such levels of crass contrivance that it rather undermines the emotional impact of loss of life. Throughout all this, Santos retains grace and dignity with a performance which is a class apart from the rest of the picture.”
Ipapalabas din ang Mindanao sa ilalim ng World Focus Powered by Aniplex Inc., section ng ika-32 na Tokyo International Film Festival (TIFF) na gaganapin mula 28 Oktubre hanggang 5 Nobyembre 2019 sa Tokyo, Japan.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio