Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megan, drain na drain sa pinagbibidahang serye

INTERESTING ang naging journey ng lead female star na si Megan Young sa GMA horror series na Hanggang sa Dulo Ng Buhay Ko na magtatapos na sa Sabado.

“It’s really an interesting journey actually, kasi hindi ko in-expect na ganito ka-intense.

“Kasi sanay ako sa taping na, oo hanggang umaga, taping kayo, pero here physically, emotionally, mentally-drained, the whole time,” bulalas ni Megan.

Masasabi ba ni Megan na ito ang pinaka-challenging role na ginampanan niya bilang artista?

“It’s the most challenging show, as a whole, dahil nga roon sa horror aspect na andami kasing mga shot na kukunan, minsan kahit na, ‘di ba minsan may mga crying scenes na, ‘A basta, isang take lang yan!’

“Ito, hindi. Dahil may mga horror minsan, iiyak ka tapos dadaan si Naomi sa likod mo, parang, you have to do it over and over again.

“And I’m not complaining but it’s just, I didn’t expect, ‘Oh my gosh, ganito pala rito sa horror!’

“Pero in a TV show, kasi you’re not given, you don’t have the luxury of time, so iyon, kaya iyon ang journey ko basically.

“And it’s been tough but exciting and I really enjoy doing it.”

Sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ay mag-asawa sina Yvie (Megan) at Matteo (Rayver Cruz) na ayaw tigilan ng obsessed na multong si Naomi, na ginagampanan  ni Kris Bernal.

Sa tunay na buhay ay hindi pa naranasan ni Megan na makakita ng multo.

“At huwag naman sana akong multuhin,” at natawa ang 2013 Miss World.

“Takot ako sa multo. Actually hindi ako nanonood ng horror.”

At very ironic na sa isang horror show siya napapanood sa telebisyon.

“Kaya nga eh, kaya nga! Pero hindi talaga ako nanoood kasi noong bata ako, puro, ‘di ba iyon ‘yung uso noon, ‘yung mga horror film, ‘yung mga ‘The Grudge,’ ‘yung ‘Chucky.’”

Napanood niya ang The Grudge.

“Tapos after niyon ayoko na.”

Hindi na niya pinanood ang mga bagong horror film tulad ng Annabelle, The Nun, It at iba pang mga nakatatakot na pelikula.

Kahit ang boyfriend niyang si Mikael Daez ay hindi mahilig sa horror films.

“Kaya okay, swak na swak kami! Hindi siya mahilig sa horror, mas action/sci-fi ‘yung gusto namin.”

Kaya sa mga eksena nila sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko na minumulto siya ni Naomi (Kris) ay totoo ang takot niyang emosyon sa mga eksena. Nakatatakot siya! Especially ‘pag pinanood mo ‘yung playback namin.

“Like ako matatakutin ako, like kunwari ‘pag nasa hotel ako, nagta-travel akong mag-isa for work, lahat ng ilaw nakabukas, pati sa banyo, nakabukas lahat ‘yan.

“Tapos nakasara ‘yung toilet, naka-on ‘yung TV, naka-close ‘yung curtains, may ganoon akong ritual. Kasi super natatakot ako.”

Natutulog siya na bukas lahat ng ilaw sa kuwarto.

Isinasara naman niya ang cover ng toilet bowl dahil pakiramdam niya ay sasara iyon ng mag-isa!

“Ayokong maisip ng mga ganoon.

“Mabuti na lang wala akong mga ganoong experience pero matatakutin talaga ako,” sinabi pa ni Megan.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …