KITANG-KITA ang saya hindi lamang ng may-ari ng Kamuning Bakery Cafe na si Wilson Flores, maging ng mga residente ng Quezon City para makakuha ng libreng pandesal at iba pang regalo kahapon ng umaga.
Ayon kay Wilson, as early as 5:00 a.m. marami na ang nagtungo sa kanilang panaderya para pumila at makakuha ng libreng pandesal.
Ang pamamahagi ng libreng pandesal ay kaalinsunod ng pagdiriwang ng 80-year-old Kamuning Bakery ng World Pandesal Day. Umaabot sa 70,000 libreng pandesal ang ipinamahagi sa mga residente ng Quezon City.
Naglalakihang pangalan sa show business at politics ang nakiisa sa okasyon bilang suporta sa worthy endeavor, na brainchild ng Kamuning Bakery owner, realty entrepreneur at writer na si Wilson.
“World Pandesal Day is a civic and cultural project that hopes to honor the humble yet great Filipino bread pandesal, it is Kamuning Bakery Cafe’s thanksgiving for continuous public patronage since 1939 despite rise of many giant bread factories and modern bakery chains, also despite a destructive 2018 fire which heavily damaged it. KBC seeks to also highlight the problems of hunger and poverty.”
Bukod sa libreng pandesal, may free medical, dental, at optical missions ding gagawin ang KBC sa Oct. 27, Sunday 8 a.m. to 12 noon.
Sinabi pa ni Wilson na bagamat maliit na negosyo lamang ang Kamuning Bakery Café noong binili niya at ini-revive four years ago, inspirado siyang simulan ang World Pandesal Day charities tulad ng istorya sa Biblia na ipinamahagi ng isang batang lalaki ang limang tinapay at dalawang isda. Naipakain ni Jesus ang tinapay at isda sa may 5,000 kalalakihan kasama ang mga kababaihan at mga bata.
Nasunog man ang bakery noong isang taon, itinuloy pa rin nito ang mga unique philanthropic project tulad ng annual World Pandesal Day, ang non-partisan Pandesal Forum, at ang World Poetry Day tuwing March 21, pagdo-donate sa mga orphanage at marginalized groups, at iba pa.
Nakapag-donate na rin si Wilson ng apat na public school buildings sa rural areas, tulad sa Sta. Rosa Elementary School sa Balangiga town sa Eastern Samar, Villa Bacolor Elementary School sa Tarlac City at iba pa.
Dumalo sa event sina Senator Cynthia Villar, Senator Risa Hontiveros, Labor Secretary Silvestre Bello III, Manila Mayor Isko Moreno, Regal Films founde Mother Lily Y. Monteverde at iba pa.
Nagpadala naman ng congratulatory message si Pangulong Rodrigo R. Duterte. Aniya, “My warmest greetings to the Kamuning Bakery Cafe as it celebrates World Pandesal Day… As you honor our history and heritage by showcasing the remarkable skills of Filipino bakers, I encourage you to create more job opportunities for our people. I also call on you to engage in corporate social responsibility and pursue initiatives that will improve the lives of your workers and our localities… I wish you a successful and joyous event.”
Samantala, kaakibat ng Kamuning Bakery Café sa pagdiriwang ng #WorldPandesalDay ang Chinese General Hospital & Medical Center sa pamumuno ng president nitong si Dr. James Dy sa Oct. 6, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa pamumuno ng presidente nitong si Dr. Henry Lim Bon Liong sa Oct. 27, Sunday 8:00 a.m. to 12 noon; San Miguel Mills, Philippine Foremost Milling Corp., Eden Cheese, Mega Sardines, Fly Ace Corp., Hobe Noodles, Clara Ole fruit jams, Caltex Iba Malhacan Meycauayan Exit, Cathedral Cargo Movers Trucking, Lily’s Peanut Butter, King Sue Hams, at iba pa. (MARICRIS VALDEZ NICASIO)