Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby-Sharon reunion movie, tuloy na tuloy na

TINIYAK ni Gabby Concepcion na tuloy na tuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta.

Inihayag ito ni Gabby kamakailan sa paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm.

Aniya, nagkausap sila ng masinsinan ni Sharon sa isang event at napagkasunduang ituloy ang naudlot na reunion movie.

Nag-usap kami na kaming dalawa lang at nagkapaliwanagan. Schedule lang talaga namin ang hindi magka-ayos pero inayos na namin,” pagbabahagi ni Gabby.

Hinihintay na lang namin na matapos ang mga show niya,” dagdag pa ng aktor.

Sinabi pa ni Gabby na siya man ay gusto ring ayusin ang anumang gusot nila ng aktres.

Ngayon, nakapag-usap na kami ng kami lang dalawa, wala ng iba, kaya nabuo ang plano namin at sana matuloy,” giit pa ni Gabby.

Sinabi pa ni Gabby na welcome sa kanya ang sinumang producer na gusto silang gawan ng pelikula. ”Basta may magandang materyal bakit ba hindi,” aniya pa.

Balitang isa si Kris Aquino sa nagpahayag noon na gustong i-produce sila ng pelikula. Kaya kung walang magiging problema, posibleng masundan agad ang reunion movie nina Sharon at Gabby.

Huling nagsama sina Sharon at Gabby noong 1992 sa Tayong Dalawa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …