ILANG beses na bang nagkaaberya ang railways system sa bansa gaya ng LRT at MRT dahil may tumalon, naipit, hindi nagsara ang pinto at kung ano-ano pang aberya na nakababalam sa pagtakbo ng nasabing transport system?!
Hindi naman natin masasabing hindi well-travelled ang mga namumuno riyan sa transportation department natin kaya masasabi nating alam nila kung ano ang itsura ng mga railways system sa Hong Kong, sa Japan, at sa Singapore para tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.
Sa Hong Kong, may glass door at glass panel sa buong platform para walang pagkakaton na mapunta ang mga pasahero sa railways kundi sa loob lamang ng coach.
Ang kaligtasan ng pasahero ay katumbas din ng mabilis na biyahe at maayos na mass transportation system, e bakit hindi kayang gawin dito sa atin?!
Paulit-ulit na nangyayari, pero ayaw solusyonan nang maayos.
Gaya kahapon, isang ‘vagrant’ ang bigla na lamang nag-landing sa railways ng MRT sa pagitan ng Buendia at Ayala stations kaya hayun nabalam nang dalawang oras at kalahati ang biyahe.
Prehuwisyo na naman sa mga pasahero at sa buong sistema ng mass transportation system.
Hindi naiisip ng mga opisyal ng transportation department na ang trapiko ng mga sasakyan sa kalsada ay parang isang kadena?!
Isang road mishap lang, tiyak na maaapektohan ang major thoroughfares.
Sabi nga sa kasabihan na ipinamana sa atin, “Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan.”
Sana lang ay laging nasa isip ‘yan ng mga transportation official nang sa gayon ay hindi nasasayang ang taxpayers’ money.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap